3 bagong bus stop sa EDSA, start na
- BULGAR

- Sep 7, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | September 7, 2020

Naglagay ng tatlong median stop ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA Busway.
Ayon kay EDSA Traffic and Transport Zone Head Edison Nebrija, kahapon nagsimula ang
operasyon ng bagong bus stop.
“Starting yesterday, nag-open na naman tayo tatlong stations coming from the North, that would be the North Avenue, Quezon Avenue, Station at tsaka "yung Q-mart,” sabi ni Nebrija.
Sa pahayag ng DOTr noong Biyernes, naglagay sila ng tatlong median stop bilang karagdagan sa apat na bus stop na nasa Guadalupe, Ortigas, Santolan at Main Avenue.
“Sa tulong ng MMDA, 15 median bus stops na ang naitayo at ang mga ito ay sunod-sunod na bubuksan oras na makumpleto ang iba pang safety and infrastructure requirements gaya ng barriers, lifters at electricity.
Long-term plan ng DOTr na gawing 29 ang kabuuang bilang ng mga median bus stop sa EDSA,” sabi pa ng DOTr chief.








Comments