top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 babaeng sugarol, tiklo sa tong-its

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 17, 2022

AKLAN–Tatlong babaeng sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagto-tong-its kamakalawa sa Bgy. Habana, Nabas.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Romailyn Manja, Heidi Bartolo at Evelyn Antonio, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar, kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga sugarol.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page