26 magsasaka, kumalas sa CPP

@Balitang Probinsiya | November 17, 2020
NUEVA ECIJA—Dalawamput-anim na magsasakang supporters ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kumalas sa komunistang grupo kamakalawa sa bayan ng Guimba.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga CPP supporters na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Napag-alamang isinuko nila ang mga dalang subersibong dokumento sa 84th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).
Sinabi ng mga NPA supporters na nagpasya silang kumalas ng suporta sa CPP upang makaiwas at hindi na ma-recruit sa armadong grupo.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga NPA supporters para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagkalas ng suporta sa CPP.



Comments