top of page

211 elected officials, kinasuhan sa SAP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2020
  • 1 min read

ni V. Reyes | September 11, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Umaabot na sa kabuuang 211 halal na opisyal ng gobyerno ang nahaharap sa mga kasong kriminal dahil sa umano’y iregularidad sa Social Amelioration Program (SAP).


Sa pagdinig ng House committee on Appropriations, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan na sa ngayon ay nasa 447 na indibidwal na ang kinasuhan na may kinalaman sa SAP.


Sa nasabing bilang, 211 ang elected public officials, 104 ang barangay officials, at 132 ang mga sibilyan.


Gayunman, sinabi ni Cascolan na dalawang indibidwal pa lamang ang inaresto mula nang umarangkada ang distribusyon ng cash assistance ng gobyerno.


Ipinaliwanag naman ni CIDG Director General Joel Coronel na ang direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) to the Philippine National Police (PNP) upang imbestigahan ang mga anomalya sa distribusyon ng SAP ay naibigay lamang sa kanila noong Mayo 21.


“That’s why nagkaroon ng lull from the time the SAP distribution to the investigation. So most of the violations for the anomalous SAP distribution have already been committed. Hindi na natin nahuli,” ani Coronel.


“What we are doing in coordination with DSWD and DILG (Department of Interior and Local Government) regional offices we are documenting these cases already,” dagdag pa ng opisyal.


Samantala, iniulat din ng PNP chief na patungkol sa mga paglabag na may kinalaman sa quarantine protocols, 1,772 ang inaresto habang 120,000 na indibidwal ang napagmulta at 157,000 ang nabigyan ng babala. Karaniwang paglabag nila ay disobedience at hindi pagsunod sa curfew.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page