Pagbibitiw ng 2 sa National team ng taekwondo, hindi tinanggap
- Gerard Arce
- Jun 22, 2020
- 2 min read

Kamakailan ay naghain ng ‘courtesy resignation’ ang 2 taekwondo jins, kabilang ang head coach sa Philippine National team dulot ng paglabag sa rules and regulations ng Philippine Taekwondo Association (PTA). Inamin ni national team Head coach Dindo Simpao na ginawa nila ang hakbang na ito kasama sina 3-time Southeast Asian Games champion at two-time Asian Games bronze medalist Samuel Morrison at 2019 biennial meet silver medal winner Arven Alcantara bilang tugon sa nagawang pagsuway sa polisiya ng asosasyon. Hindi man literal na kabilang sa mga nakagawa ng kasalanan, nagpasa pa rin ng kanyang liham ng resignasyon si Simpao dahil sa pananagutan niya umano sa nagawang pagkakamali ng dalawang atleta. “They’ve already submitted a courtesy resignation for the failure of following strict policy of our association, and I, as their training director, is responsible for any moves and traits they’ve shown for disobeying a written command,” pahayag ni Simpao sa panayam ng BULGAR sa online interview. Nagsumite ang tatlo ng pagbibitiw sa posisyon noong Lunes, Hunyo 15, bilang pagpapakumbaba sa nagawang pagsuway; gayunman, hindi ito tinanggap ng pamunuan ng PTA, kung kaya’t agad na napagdesisyunan nito noong Huwebes, na huwag na lamang ulitin ang pangyayari at magsilbing paalala sa lahat ang rules and regulation ng PTA at national team. “Hindi nila [Morrison at Alcantara] alam na sakop ng rules and regulation ng PTA ang gagawin nilang guesting, because as far as we all know, even Donnie knows it, na we should first ask the permission of our association regarding the guesting, interviews, sponsorships, anything that will interfere their training schedules and practices,” ika ni 2002 Busan Asian Games competitor. “Hindi natin pwedeng hugutin na lang ang mga athletes for any purposes, may pinaghahandaang mga competition ang mga iyan and also, we are protecting their image, mainly because they are the face of the team and the Association,” dagdag ni Simpao. Nag-ugat umano ang lahat nang maimbitahan sina Morrison at Alcantara sa isang online Taekwondo Zoom lessons ni dating 2000 Sydney at 2004 Athens Olympics campaigner Donald Geisler para sa June 6 na guesting. Ngunit ayon kay Simpao, hindi umano pinayagan ang dalawang taekwondo jins ng PTA dahil hindi nagpaalam sa pamunuan, kung saan may sinusunod na patakaran ang asosasyon hinggil sa pagdalo ng atleta sa mga ibang bagay na may kinalaman sa kanilang tungkulin bilang national team member. Dahil dito ay naglahad ng saloobin si Geisler sa kanyang social media account ng isang Open Letter, ibinulalas ang pagkadismaya sa pagsaway sa dalawang atleta na kanyang inimbita para magturo at magpamalas ng ilang techniques sa mga estudyante nito. Dito rin sinabi niyang hindi rin pinayagan si 30th SEAG featherweight champion Pauline.





Comments