Sa edad na 85, business tycoon Eduardo "Danding" Cojuangco, pumanaw na
- BRT
- Jun 17, 2020
- 1 min read

MANILA — Sa edad na 85, ang business tycoon na si Eduardo "Danding" Cojuangco, ay pumanaw na.
Si Conjuangco ay naging chairman at CEO ng San Miguel Corporation ng 22 taon. Ang pagpanaw nito ay kinumpirma sa lumabas na anunsiyo sa stock exchange.
"San Miguel Corp announces the passing of its Chairman and Chief Executive Office Mr. Eduardo M. Conjuanco, Jr on the evening of June 16, 2020," ito ang naging pahayag ng kumpanya sa stock exchange.
Tumulong sa pagtayo ng San Miguel at gayundin ang National People's Coalition Party na siyang nagbibigay ng mga kandidato para sa lokal at pambansang halalan mula noong naitatag ito, taong 1990.
Tumakbo sa pagka-presidente taong 1992, ngunit natalo ito kay Fidel V. Ramos. Sa panahong ding iyon na ang kasama sa pagtakbo na si Joseph Estrada ang nanalo naman bilang bise-presidente.
Inakusahan si Cojuangco ng prosikusiyon ng gobyerno ng pagkakaroon ng ilegal na yaman, sa panahon ng rehimeng Marcos. Ngunit sa kabila nito ay hindi naman nadiin at nakulong.
Pinsan ng dating presidente, Corazon Aquino.
'Di naniniwala ang TV host na si Kris Aquino na ang tiyuhin ay sangkot sa pagpatay sa kanyang ama, na si Sen. Beningo "Ninoy" Aquino Jr., taong 1983.




Comments