top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

NORA, NAMUDMOD NG PAGKAIN SA MGA NA-STRANDED NA PASAHERO SA NAIA

  • Erlinda Rapadas
  • Jun 17, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

A few days ago, namigay ng food packs at bigas ang one and only Superstar na si Nora Aunor sa mga stranded na pasahero na ilang araw ding namalagi sa paligid ng NAIA Terminal 3 na dinala na sa Villamor Golf Course at Villamor Elementary School.

Napanood sa telebisyon ni Aunor ang mga kaawa-awang stranded na pasahero na kapos na sa pagkain at natutulog na lang sa paligid ng Terminal 3 ng NAIA.

Sobrang nabagbag ang kalooban ni Guy lalo na't may mga nanay na gustung-gusto nang makapiling ang kanilang mga anak na naiwan sa lalawigan. Karamihan sa kanila ay taga-Davao, GenSan at meron ding mga taga-Bicol Region.

Maging sa mga taong kinupkop sa Baclaran Church ay namigay din ng food packs ang Bulilit Superstar. May kasama pang bigas ang kanyang ayudang ipinamigay. At pati 'yung mga tao sa lansangan sa harap ng Baclaran Church ay pinakain at binigyan din daw ng bigas ni Guy.

Hindi man nakasama si Aunor sa pamamahagi ng tulong sa mga stranded na pasahero sa Villamor Airbase at sa Baclaran compound, alam naman ng lahat na 'yun ay padala niyang tulong.

Maraming Noranians ang sumama sa pagdi-distribute ng food packs. Hindi pa lumalabas ng bahay ang premyadong aktres dahil bawal pa sa mga senior na tulad niya. Nag-iingat din siya para sa kanyang kalusugan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page