Paghatol ng guilty sa kasong cyber libel kay Maria Ressa, normal lang!
- Ka Ambo
- Jun 16, 2020
- 2 min read
Hinatulan ng guilty sa kasong cyber libel ang journalist na si Maria Ressa.
Normal lang ‘yan!
◘◘◘
BAHAGI ng trabaho ng isang journalist na makasuhan ng libelo.
Ang masama, kapag ang vendor na si “Juan” ay makasuhan ng cyber libel — ‘yan ang nakababahala!
◘◘◘
NAAAWA tayo sa mga journalist na nagagalit kapag nakakasuhan ng libelo.
‘Yan ang mas nakakahiya.
Hindi nila alam ang pinasok nilang propesyon!
◘◘◘
HALIMBAWA, normal sa isang sundalo ang mamatay sa engkuwentro.
Ang masama ay mamatay ang sundalo habang nag-aatip ng bubong!
◘◘◘
NANGHIHINAYANG tayo sa isang insidente kung saan nahulog habang nag-aatip ng bubong ang popular na lider ng mga militante.
Hindi siya napatay sa gitna ng protesta, bagkus ay nang bumagyo, umakyat sa bubong—inayos ang yero at nahulog, dedo!
◘◘◘
NORMAL din sa mga medical staff kasama ang doktor na mahawa sa mga may sakit na pasyente—may COVID-19 man o wala, bahagi ‘yan ng kanilang propesyon.
Ang bawat propesyon ay may kani-kanyang panganib!
◘◘◘
MINSAN nakikita sa media na nanggagalaiti an journalist matapos maaresto dahil sa kasong libelo.
Hindi ‘yan nakakahiya, bahagi ‘yan ng trabaho!
◘◘◘
MARAMI ang nakasuhan ng libelo pero naabsuwelto at marami rin ang idineklarang guilty.
Bibihira ang journalist na hinatulan ng guilty pagdating sa Korte Suprema!
◘◘◘
MAY mga nahapan ang Korte Suprema na guilty sa libelo—pero hindi mga journalist.
Hinahanap ng korte ang motibo sa paglalathala.
Kapag pinersonal o nakinabang nang personal ang reporter o editor sa kanyang ulat—nagkakaroon ng malisya ang proseso.
Ang malisya o motibo—kung gaano man kabigat, ‘yan ang susuriin ng hukuman!
◘◘◘
IGALANG natin ang hukuman.
Simple lang ang isyu libelo—hindi ito maselang isyu ng “malayang pamamahayag”.
Bagkus ito ay normal na praktis sa isang propesyon!
◘◘◘
MARAMING mamamahayag ang “hao shiao”, kunwa-kunwari lang at talagang pera-pera lang.
Sila ang mga takot sa libelo!
◘◘◘
KAPAG masama ang loob ng journalist na makasuhan ng libelo—wala siyang karapatang maging journalist.
Mas malaman ay isa siyang “hao shiao” at talagang guilty ang pobre!




Comments