Yorme na nahuling lumabag sa health protocols nang magbakasyon sa norte, todo-deny na walang kinalam
- Fersalina Sogo
- Jun 14, 2020
- 5 min read

Kabit-Kabitz / Fersalina Sogo
‘Eto na ang mga ganap this week, mga kachika!
Nagkakagulo ang netizens nang dahil sa Anti-Terror Bill. Maraming umapela rito kasama na ang mga pulitiko at celebrities. Of course, alam n’yo na mga bes na marami rin namang utaw na mema lang to stay relevant. ‘Kaloka! Kaya ito na ang pinakamaiinit na kabit-kabitz this week para sa inyo.
Senyor Promotor
Banat here, there and everywhere ang mga netizens sa Kongreso, kabilang si Senyor Promotor dahil sa panukalang-batas na wit type ng mga utaw. Pero depensa ng mambabatas ay magbasa muna bago kumuda. In fairness, may point ang mambabatas sa dami ng mema sa Earth.
Ikinaloka rin ng mga utaw ay ang pagiging patola ni senyor at maging ang beauty queen na nagpahayag kaugnay sa isyu ay hindi nito pinalampas. Getching ko ang point ni sir, siguro ay pikon na siya sa mga kuda ng people of the universe dahil sa maling impormasyon na nababasa sa social media. Kaya sey ko rin sa mga utaw, basa muna bago chumika para hindi masabihang shunga! Charot!
Lolita deLusyonada
Matagal nang wit sa eksena ang kasamahan ni Senyor Promotor na si Lolita deLusyonada dahil sa mga isyung ibinabato sa kanya. According sa mga bali-balita, kinasuhan ito dahil sa ilegal na droga na itinatanggi naman niya to death. So, ang chika naman dito ay jowa raw nito ang isa sa kanyang mga empleyado na nagsilbing bag man sa mga maiitim na transaksiyon.
Sabi nga nila, basta driver, sweet lover. Chos! Mukhang nahumaling si madam sa kanyang tsuper at till death do us part ang drama ng dalawa na pati sa kulungan ay sabay pa rin. True love wins ‘ika nga! Bongga ka, ‘teh!
Ginoong Balimbing
Kapwa taga-Bicol naman sina Lolita deLusyonada at Ginoong Balimbing. Kilalang-kilala ang halal na opisyal na numero-unong sipsip depende kung sino ang nakaupo. Maraming partido na rin itong sinalihan mula nang nag-join sa pulitika. Pero what do you expect? Ang chika, pati raw sa kasarian nito ay hindi rin siya sure — kloseta raw si ‘teh girl, ay kyah pala, ano ba talaga?! ‘Kalerkey!
Miss Manika
Minsan namang ipinagtanggol ni Ginoong Balimbing si Miss Manika na noon ay isang contestant palang sa reality TV show. Sumali si Miss Manika sa isang contest sa TV at unang natsugi dahil sa kaartehan at kagaspangan ng ugali.
Minsan na ring napabalita ang aktres dahil sa pagmamaltrato sa kanyang PA.
Reklamo ng PA ay inalila raw ito ng pamilya ng aktres samantalang maliit lang ang suweldong binibigay nito. May taglay na ganda ang aktres at parang hindi makabasag pinggan. Well, sabi nga nila, looks can be deceiving at sa kaso niya ay true na true ito!
Mr. Second Chance
Kahit bago palang sa showbiz ay marami nang proyekto ang naibigay ng kanyang network dito kay Miss Manika. Isa na rito ang makapareha ang napapachismis na naging jowa niyang si Mr. Second Chance. Naudlot naman ang malabong usapan ng dalawa dahil hindi pala sila parehong handang pumasok sa isang relasyon. At isa pa ay hindi maganda ang reputasyon ni kyah dahil sa diumano’y pag-abuso sa bawal na gamot.
Sayang at magaling umarte ang aktor pero talagang nalihis ng landas. Sa ngayon ay tumamlay na rin ang career ng binata dahil nanawa na ring bigyan siya ng paulit-ulit na chance ng network nito dahil hindi rin naman daw nagbabago.
Diyosa Maganda
Makulay naman ang love story ni Mr. Second Chance at ex-jowa niyang si Diyosa Maganda. Tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon bago nagkahiwalay dahil muli ngang pumasok sa rehab si kyah.
At dahil marupok si ate girl, nagkabalikan ang dalawa, pero hindi rin nagtagal dahil sa maraming dahilan. Happy na sa kanyang bagong relasyon si ate girl sa masuwerte nitong jowa. Pero ang wit n’yo knows ay mukhang depress-depress-an si ate girl dahil naudlot daw ang pagpo-propose ng kanyang jowa dahil sa ECQ. Baka naman talaga walang balak magpasakal este kasal si lalaki kaya hindi matuloy ang proposal? Esep-esep rin mabuti ate girl.
Yorme No Entry
Nagkasama naman sa pelikula sina Diyosa Maganda at Mayor No Entry na tungkol sa isang relasyon ng teacher sa kanyang estudyanteng mayroong mental illness. Bago sumabak sa pulitika ay sikat na atleta at aktor itong si yorme.
Nakapangasawa siya ng heridera kaya napasabak na rin siya sa pulitika.
Naging kontrobersiyal si yorme kamakailan dahil ayaw raw nitong tanggapin ang mga nais magbalik sa kanilang probinsiya dahil hindi pa napapa-test. Pero depensa naman niya ay pinoprotektahan lang daw niya ang kanyang nasasakupan na ma-invade ng COVID-19. Pero may point naman si kyah. In short, sa kanyang nasasakupan ay no test, no entry!
Ms. Bukang Liwayway
Once upon a time ay nagkamabutihan sina Mayor No Entry at Ms. Bukang Liwayway. Perfect couple ang peg ng dalawa dahil ichura palang ay bagay na bagay na. Pero siyempre, may katapusan ang kanilang love story.
Kamakailan ay pinakilig ng dalawa ang kanilang mga fans nang nagkaroon sila ng teleserye. Strike while the iron is hot ang drama nila kaya tuluy-tuloy ang mga projects na ibinigay sa kanila. Kahit tanders at may sari-sarili nang pamilya ay akala mo pang PBB teens ang drama ng dalawa kung magpakilig. Sinabi noon ni Ms. Bukang Liwayway na nagkatuluyan sana sila ni yorme kaso ay dahil sa pagiging playboy nito ay sumuko siya. Pero happy naman daw siya sa kanyang ex-jowa dahil sa magandang married life nito. Love conquers all ‘ika nga nila. Pak!
Guwapong Papi
Nakapareha naman ni Ms. Bukang Liwayway si Guwapong Papi sa isang pelikula tungkol sa pag-iibigan ng mashondang girl sa batang lalaki. In fairness, may chemistry ang dalawa at talagang kikiligin ka kaya bumenta ang kanilang pelikula.
Isa si Guwapong Papi sa mga artistang nagpahayag ng saloobin nila tungkol sa pagsasara ng kanilang TV network. Pero alam n’yo ba na isa pala siya sa mga mega-supporters ng pangulo?
At ang chika pa ay pinagbawalan siya na naihayag ang suporta nito sa pangulo noong kampanya dahil sa iba ang gustong kandidato ng kanyang TV network. Kaya nang bumalik naman ang karma sa kanila ay over! Lesson learned na siguro ito sa TV network na ‘wag masyadong sawsaw-suka pagdating sa pulitika. Beh buti nga!
Mr. Tulog Mantika
Proud na proud si Mr. Tulog Mantika at talagang ipinost sa kanyang social media account nang makilala nito si Guwapong Papi. Eh, lahat naman talaga ay mapapa-“I love you” dahil sa kanyang kagwapuhan.
Ngayon ay usap-usapan siya dahil sa paglabag nito sa mga health protocols sa isang siyudad sa norte nang maisipan nitong magbakasyon. Sey sa news ay dumiretso raw ang convoy niya at nilampasan ang mga checkpoint papunta sa isang resort. Depensa nito ay wit niya knows ang ginawa ng mga tauhan dahil borlogs siya sa sasakyan. Humingi rin ito ng paumanhin sa lahat at sinasabing gusto lang daw ng kanyang misis na may sakit na makapagpahinga. Pero dahil maraming imbestigador sa social media ay nabuko nilang matagal nang walang sakit ang misis. Sir, kung gusto mo lang naman talagang mag-golf ay sana sinabi mo nalang dahil nakakaloka ang iyong mga dahilan na kahit si Ninong Senyor Promotor ay hindi ka kaya iligtas sa iskandalong itey.
Siya, hula-hula na muna at abangan ang mga susunod na kabanata NG MGA PINAGLARUANG MUKHA ni KIMPOY





Comments