top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Train to Busan presents Peninsula, coming soon… MGA SINEHAN, MAGBUBUKAS NA SA JULY 1

  • Reggee Bonoan
  • Jun 10, 2020
  • 1 min read

Reggee Bonoan / Sheet Matters

Magbubukas na raw ang mga sinehan sa Hulyo 1, pero hindi excited ang mga kausap naming mahihilig manood ng sine dahil naroon pa rin ang takot nila sa COVID-19 kahit sabihin pang may social distancing o lilimitahan lang ang mga taong makakapasok sa sinehan.

Ganito rin ang pakiramdam ng mga directors na kahit gustung-gusto na nilang mag-shoot kung hindi naman sila binibigyan ng go signal ng mga producers ay wala rin silang magagawa.

Ito ang kuwento sa amin ni Direk Yam Laranas nang maka-chat namin kamakailan, na ang pelikula niyang Rooftop, produced ng Viva Films, na dapat sana noong Mayo ipinalabas ay naka-hold, and as of now ay wala pa siyang bagong project.

Aniya, “Hey Reggee, wala pa (at least ako) pero meron nang mga protocols in place. Tinatapos pa namin post ng Rooftop. On hold muna ang schedule ng release until puwede na at safe na ang mga sinehan.”

Nabanggit naming sa Hulyo na magbubukas ang mga sinehan, at ani Direk Yam, “Hopefully. Magbabanggaan ang mga playdates. Ang alam ko July 30 ang Asian release, maybe.”

At isa na ang Train to Busan presents Peninsula sa mga ipapalabas sa Hulyo 30 at pakiramdam namin ay maraming manonood pa rin lalo’t sabik ang ibang manood ng sine.

At dahil wala pang target date kung kailan ipapalabas ang Rooftop ay binubusising maigi ni Direk Yam ang pre-prod.

Pabor din kay Direk Yam na rito sa Pilipinas siya inabot ng lockdown dahil nakatapos siya ng dalawang screenplays at may sinisimulan ulit.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page