top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Tulad sa LizQuen… SERYE NI SYLVIA, 'DI NA IBABALIK NG ABS-CBN

  • Rohn Romulo
  • Jun 8, 2020
  • 2 min read

Rohn Romulo / Run Wild!

Sa Beautederm TV: Live, muling binalikan ni Sylvia Sanchez ang kanyang humble beginnings sa Punta, Nasipit, Agusan del Norte.

Sa naturang FB live noong Sabado nang gabi, naging hosts sina Darla Sauler at Boobay at guest din ang isa pang endorser ng Beautederm na si Rita Daniela.

Bata pa lang ay mahilig na siyang sumali sa beauty contest at kitang-kita na ang kanyang kagandahan dahil mestisa siya at halos kamukha niya ang anak na si Ria Atayde.

Sabi ni Ibyang, bulilit pa lang ay makapal na ang fez niya, hilig na ang pagsasayaw at pangarap talaga niyang maging artista.

Nagpakita siya ng mga old photos niya kung saan Grade 1 siya nang manalo sa beauty contest, kasama ang mga kapatid na ang ku-cute rin. Naging majorette rin siya sa banda at hanggang ngayon daw ay magaling pa siyang magpaikot ng baton.

Naikuwento rin ni Ibyang na favorite niya mula noon hanggang ngayon si Wonder Woman, kaya ngayon, meron na siyang collection nito. Isa naman sa mga pinapanood niyang serye noon ang Flor de Luna ni Janice de Belen.

Noong high school siya, kasikatan nina Janice, Maricel Soriano at William Martinez, at nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion (na favorite love team niya). Nagustuhan niya si Maricel dahil sa galing sa pagpapatawa at umarte.

Love na love rin niya si Janice dahil sa Flor de Luna at ginagaya pa niya. Ito raw ang unang-unang artista na pumansin sa kanya at nagpakita ng kabaitan.

Pinangarap niyang maging asawa si Dindo Fernando sa pelikula o serye, pero hindi niya inabutan na buhay.

Sumunod namang naging malapit sa kanya si Maricel na nakasama niya sa mga pelikula sa Regal Films tulad ng Dinampot Ka Lang sa Putik at kinukuha rin siya sa drama special ng Diamond Star.

Sabi pa ng face of Beautederm, nang napanood naman niya ang Sana'y Wala Nang Wakas ni Sharon, doon na niya sinabi na gusto talaga niyang mag-artista.

Pero mas ginusto niyang maging kontrabida tulad ni Cherie Gil dahil 'di niya type ang inaapi-api, na naibigay naman sa kanya ng Regal Films at sa mga teleserye ng ABS-CBN, na hanggang ngayon ay gusto pa rin niyang gampanan.

Sa kanyang first starring role sa teleserye na The Greatest Love, sobrang natuwa si Sylvia na si Sharon pa ang kumanta ng theme song. Nakaeksena rin pala niya si Mega sa Minsan Pa (Kahit Konting Pagtingin Part 2) kasama si Da King Fernando Poe, Jr., na hindi rin niya malilimutan.

Inamin din niya na bata pa lang siya ay crush na crush na niya si Amy Austria.

Ang nakakalungkot lang ngayon ay hindi na matatapos ang kuwento ng Pamilya Ko na marami pa namang naghihintay sa pagbabalik dahil nakasama ito sa mga shows ng ABS-CBN na kinansela na.

Kaya abang-abang na lang ang kanyang mga fans kung kailan uli siya magkakaroon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page