Pakiusap ng fans, deadma… SIGAW NG KAMPO: LIZQUEN, BINALEWALA NG ABS-CBN KAHIT LOYAL PA!
- Rohn Romulo
- Jun 7, 2020
- 2 min read

TRENDING kahapon ang #PaalamBillyAtGabo dahil nga sa tuluyang pagkansela ng ABS-CBN sa Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Matapos na maglabas ang Kapamilya Network ng mga shows na itutuloy pa rin kahit nasa community quarantine at hindi nga napasama ang teleserye ng LizQuen na nagsimula noong January kung saan may kinunan pa sa Croatia, nag-post din ng kumpirmasyon ang manager ni Liza na si Ogie Diaz at malungkot niyang ibinalita na hindi na talaga mapapanood ang teleserye na alam niyang maraming nabitin.
Kaya abangan na lang ang pagbabalik-serye ng LizQuen sa darating na panahon.
Kahit nagreklamo at nanghingi ng explanation mula sa Star Creatives at maging sa direktor ng teleserye na si Theodore Boborol ang LizQuen fans, wala rin silang nagawa, dahil buo na talaga ang desisyon ng management na 'wag na itong ituloy dahil mahihirapan na talaga.
Kaya naman kahit punumpuno ng kalungkutan ay kani-kanila silang post sa Twitter ng photos, videos at pati artwork ng LizQuen.
Narito ang ilan sa kanilang mga tweets:
@tincargado07, "Saying goodbye is one of the hardest thing to do.... But we will never ever gonna say goodbye to Hopie and Quen. We love you! (sa abs-cbn puwede na rin mag-goodbye)."
@Zeny83098691, "We love you and you are the best!! Thank you for making us happy or mix emotion from MIWY serye!! LizQuen Forever!!"
@LQBeStronger, "Ends are not bad things, they just mean that something else is about to begin. And there are many things that don't really end, anyway, they just begin again in a new way. Ends are not bad and many ends aren't really an ending; some things are never-ending."
@HoneylizQuen, "Bakit kung sino pa 'yung may loyalty, may utang na loob at pagmamalasakit sa ABS, LizQuen ang balewala sa inyo! Sana 'yung ending lang, pls.."





Comments