Mister, kaya lalong nainlab… MARIEL, PAULIT-ULIT NAG-ARAL GUMAWA NG SPANISH BREAD MAPASAYA LANG SI R
- Reggee Bonoan
- Jun 7, 2020
- 1 min read

Sa sobrang pagkagusto ni Robin Padilla ng Spanish bread at hindi naman siya laging nakakabili at nakakakain nito ay inaral ng asawa niyang si Mariel Rodriguez-Padilla ang paggawa nito.
Base sa kuwento ng aktor ay buong maghapon itong ginawa ni Mariel — nagmasa ng arina, luto, tikim at 'pag hindi okay, inuulit lagi hanggang sa na-perfect na ni misis ang paborito niyang tinapay.
Caption ni Robin sa bagong lutong Spanish bread ng asawa, “Walang hindi nakukuha sa tiyaga! Buong araw pinag-isipan at maghapon na ginawa at inulit-ulit upang maihandog ang aking paboritong tinapay nu’ng ako'y 8 taon gulang sa Banawe Street sa Quezon City.
“Araw-araw tuwing hapon walang mintis, pagkagaling sa Siena College sa may Del Monte Avenue, magmamadali akong umuwi at hihirit kay ermats ng merienda. Pagbibigyan naman ako at pabibilhin ako ng Spanish bread sa bakery sa tapat ng bahay namin.
“Kaligayahan ko nu’ng bata ako itong tinapay na ito. Katunayan, ngayong matanda na ako ay hinahanap ko pa rin ito kapag naliligaw ako sa mga local bakery kaya’t pinag-aralan ni @marieltpadilla gawin ito dahil alam niya hindi lamang sarap ang dulot ng Spanish bread sa akin kundi matatamis at maliligayang alaala ng aking kabataan.
“Maraming salamat babe sa napaka-personal na handog na ito.”
Masasabing ang suwerte ni Robin kay Mariel dahil lahat ng ikasasaya niya ay inaaral nito at talagang nag-adjust siya sa pagiging buhay-mayaman.
Mas suwerte rin si Mariel kay Robin dahil responsable, mapagmahal at mabait na asawa ang aktor.





Comments