top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

4 sundalo, dedbol sa Abu Sayyaf

BRT​
Jun 7, 2020
1 min read

SULU — Apat na sundalo ng Philippine Army (PA) ang namatay nang makaengkuwentro ang mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) kamakalawa sa Bgy. Kan Ague, Patikul.

Hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang mga napatay na sundalo hangga’t hindi pa naipagbibigay-alam sa kanilang pamilya ang nangyari sa mga biktima.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga tauhan ng 6th Special Forces ng Battalion ng Western Command (WesCom) nang makasalubong sa nasabing barangay ang nasa 40 miyembro ng teroristang ASG.

Dahil dito, agad nagbarilan ang magkabilang-panig na ikinamatay ng apat na sundalo.

Iniulat na may dalawang miyembro rin ng ASG ang napatay sa engkuwentro dahilan kaya tumakas ang mga terorista na sa kasalukuyan ay tinutugis pa ng tropa ng pamahalaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page