Iba ang trip ng GF mo, Arjo… MAINE, MAS GUSTONG NASA HOTEL LANG KESA MAMASYAL 'PAG NAGTA-TRAVEL
- Erlinda Rapadas
- Jun 6, 2020
- 1 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

May ugali pala ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza na tiyak, hindi pa alam ng iba niyang kaibigan.
Kapag bumibiyahe raw abroad si Maine ay tamad siyang mamasyal o gumala. Most of the time ay nasa hotel room lang siya at nagpapahinga.
Hindi siya mapapakinabangan bilang travel buddy dahil hindi niya type ang mag-iikot sa mga tourist spots na kanilang pinupuntahan.
Unless siguro kasama niya ang BF niyang si Arjo Atayde. For sure, hindi naman papayag si Arjo na tumunganga lang sila ni Maine nang buong maghapon at magdamag sa hotel at hindi mag-iikot para makapamasyal.




Comments