Kaya in-unfollow ng sexy star… DJ LOONYO, AMINADONG GHINOSTING SI IVANA
- Mercy Lejarde
- Jun 5, 2020
- 2 min read

kung true na in-unfollow na ni Ivana Alawi si DJ Loonyo sa mga social media accounts nito at iniiwasan na raw ng ultra-seksing si Ivana si Loonyo dahil lang sa nag-ghosting ang DJ kay Ivana for one week, eh, malamang sa hindi, baka hindi na matupad ang wish ni yours truly na mai-guest sila ni Willie Revillame sa Wowowin.
Eh, ano naman daw ang kinalaman sa Wowowin show ni Kuya Wil ng dalawa?
Well, gusto lang kasing marinig ni yours truly mula sa bibig ni Willieboy na sabihin nito kina Ivana at DJ Loonyo ang mga katagang… "IVANYO NA 'YAN!” instead of “Bigyan ng jacket!”
'Yun na! Insert smiley, J!
In pernes naman kay DJ Loonyo, ang rason daw kung bakit hindi muna niya kinausap for one week si Ivana, as in ghosting nga, ay dahil nagkaroon daw siya ng anxiety issue dahil sa mga problema niya sa kanyang dance studio sa China. Ayaw daw kasi niyang madamay si Ivana sa pinagdaraanan niya.
“Hindi ko siya niloko. 'Pag niloko mo 'yung tao, hindi totoo 'yung nararamdaman mo.
“'Yung nararamdaman ko kay Ivana is real and pure. I just love Ivana. I’m gonna continue supporting her all the way. I’m gonna continue loving her from afar,” lahad pa ni DJ Loonyo sa kanyang socmed account.
Naku, 'yang ghosting-ghosting-ek na 'yan sa isang relationship, lakas din ng amats niya sa both parties, sa true lang.
'Yung nag-ghosting, masakit din sa kanya na gawin 'yun but for personal reason, dapat gawin talaga, eh. 'Yung ghinosting naman, siyempre ay masakit dahil umasa siya day and night, waiting… waiting for nothing… but weeks passed by, waley. So, masakit 'yun para sa kanya.
Naka-relate talaga si yours truly, oh, hahaha!
'Niwey, ang dapat na lang maging theme song sa mga "ghosting lovers" ay ang awiting may lyrics that goes… "Imagine me and you, I do… I think about you day and night… it’s only right…to think about the girl or boy you love…and hold her/him tight…so happy together…”
'Yun, oh! Insert smiley, J!





Comments