top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bigtime tulak, tiklo sa shabu at marijuana

BRT​
Jun 5, 2020
1 min read

Cagayan—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu at marijuana kamakalawa sa Bgy. Central Northeast, Solana.

Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Benedict Carag, residente sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa naturang lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ng suspek ay agad itong dinakip ng mga awtoridad.

Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng tatlong sachets ng shabu, pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page