top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Rider na may dalang “damo”, tiklo sa checkpoint

BRT​
Jun 2, 2020
1 min read

Kaliga—Inaresto ng mga awtoridad ang isang rider nang makumpiskahan ng marijuana sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. Mabilong, Lubuagan.

Ang suspek ay nakilalang si Rodelio Banosan, residente ng Rizal sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, habang nagmamando ng checkpoint ang pulisya ay napadaan dito ang motorsiklo ni Banosan at nang siyasatin ang dala nitong bag ay dito nakita ang mahigit apat na kilong marijuana kaya inaresto ang suspek.

Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page