Megastar, buking, Kiko… GOMA AT ROBIN, 2 TOTGA NI SHARON

Sa nakaraang “girl talk” nina Sharon Cuneta at Pops Fernandez sa official YouTube channel ng huli ay napag-usapan ng dalawa kung nagkaroon na ba si Sharon ng “TOTGA”, as in “the one that got away” at sinabi naman ni Sharon na meron pero hindi niya na-mention ang names ng dalawang naging TOTGA niya, pero kami na nasa inside showbiz, knows namin, in pernes, ‘noh!
Sus, sa showbiz pa, may maitatago ba lalo na nga at may saying na… “Kapag may usok…may apoy,” tsuk, ganern!
‘Yung isang TOTGA ni Sharon, ang alam namin ay si now Ormoc Mayor Richard “Goma” Gomez.
At anik daw ang mga naging dahilan ng pag-run-away ni Goma kay Shawie?
Eh, ang alam namin, masyadong dikit si Goma sa kanyang dabarkads or friendships noon kaya madalas ay no time siya for Megastar na tipong ikinabuwisit daw ng mommy dearest nina KC, Frankie, Miel at Miguel.
So, ang ginawa raw ni Sharon ay PINAPILI NIYA SI RICHARD na something like… “AKO O ANG MGA BARKADA MO?”
And presto, ang mga dabarkads daw ni Goma ang pinili nito ‘coz ayaw daw nitong pinamimili siya between Megastar and his dabarkads.
So, ganern… kung ‘yun nga ang isa sa mga reasons, ha, na puwedeng lagyan ng background music that goes… “Goodbye… I hate to see you go, but have a goodtime… so long… I miss you dear I know.. but have a goodtime…” zziiboomm, kaboom! Insert smiley, J!
‘Yung sa kanila ni Robin Padilla, ‘di ako sure if may kinalaman si Kris Aquino kasi ‘di nga ba, nagkasuntukan noon sina Robin at Richard nang magkita sa Malacañang Palace nu’ng PH president pa ang mommy dearest (SLN) ni Kris?
Naku, pang-YT vlog ko sana ang mga kuwentong itetch pero dahil mahal ko ang Bulgar at Ka-Bulgarians natin, kaya dito na lang natin iBulgar!
‘Yun na!





Comments