TV host, gustong idamay sa pagpapasara sa ABS-CBN… PRES. SPOKESPERSON HARRY ROQUE, SUPALPAL KAY WIL
- Beth Gelena
- May 28, 2020
- 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files
Guest ni Willie Revillame si Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang programa na Tutok to Win sa Wowowin last Wednesday, May 27.
Sa pag-uusap ng dalawang personalidad, alam ni Roque na galing din ng ABS-CBN si Kuya Wil kaya nagbiro siya about the shutdown of the TV network.
Sabi ni Roque, “Alam mo, duda ko, kaya ‘yung isa, nawala ang prangkisa, ikaw ang may kagagawan niyan, eh.”
Dinugtungan pa niya na “O, aminin, aminin.”
Sagot ng mahusay na TV host, “Sec., malaki rin po ang utang na loob ko sa istasyon na ‘yan dahil ho d'yan ako nagsimula, d'yan ako nakilala, nasa puso ko pa rin 'yan.”
‘Wag na raw siyang idamay dahil nananahimik na siya.
“Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino, nand'yan. Sec., ‘wag mo ko idamay, baka ma-bash ako.
Nananahimik ako,” ang nangingiting sabi pa ni Kuya Wil.
Eh, mukhang intrigero si Secretary Roque kaya may sundot pa rin niyang sabi sa Wowowin host,
“Pero anyway, nag-iisa ka na lang ngayon.”
Mahusay namang dumepensa si Kuya Wil. Aniya, “Sec., ‘wag nating pag-usapan ‘yan. Hindi natin pag-uusapan ang kung anumang prangkisa. Ang pag-uusapan dito, 'yun pong ating hinaharap na kinabukasan.”
Dahil sa magandang sagot ni Kuya Wil, hinangaan siya ng mga netizens.
“Wow, ginawang joke pa 'yung pagsara ng ABS, buti marunong sumagot 'tong si Willie.”
“Supalpal si Roque... Mabuti na lang, may sense of decorum si Willie... Siya pa sana ang madidiin kung sinakyan niya ang heartless "joke" ng spokesperson ng Presidente.
“What a rude comment from Roque, napaka-unprofessional. It is not a good joke. Mabuti pa ang sagot ni Willie.
"'Yung mas professional pa si Wil kesa sa public official.
“In fairness kay Willie, madalas off ang mga jokes niya bilang komedyante at 'yung mga gimik niya bilang artista at showbiz personality, pero dito sa interview, mas nagpakita pa siya ng moralidad at professionalism kaysa sa taong inaasahan na dapat maayos ang mga pananalita at hindi magbibiro at the expense of an issue na legal na tinatalakay na.”





Comments