top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

May movie at serye na sana, naging bato pa... IVANA, NAUDLOT ANG PAGSIKAT DAHIL SA COVID-19

  • Erlinda Rapadas
  • May 28, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Dahil sa hindi inaasahang pananalasa ng COVID-19 na lumikha ng malaking pagbabago sa mga kaganapan sa ating lipunan, tinamaan nang husto ang movie industry at maraming movie projects na dapat na naumpisahan ang pansamantalang natigil.

Stop production din pati ang mga serye at iba pang TV shows. Biglang nag-shutdown ang mga aktibidades sa showbiz.

Maraming artista/singers ang nawalan ng trabaho. Isa sa mga nawalan ng raket at exposure ay ang hottest sexy star na si Ivana Alawi na unang sumikat nang maging internet sensation.

Biglang-bigla ay kinabaliwan siya at pinagpantasyahan ng mga kalalakihan. May movie na siyang nakahanda na kanyang pagbibidahan at may serye na rin sa ABS-CBN na naka-schedule nang magteyping bago pa nag-lockdown noong March 15.

Pero, maraming nangyari dahil nga sa Coronavirus na hindi lang sa 'Pinas kumalat. Sa social media na lamang nagkaroon ng exposure si Ivana Alawi via her vlogs na ginagawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page