Twitter ng PLDT, na-hack
- V. Reyes
- May 28, 2020
- 1 min read

Napasok umano ng hacker ang official Twitter page ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company ngayong tanghali.
Ang account name na PLDT Cares ay pinalitan ng hacker ng "PLDT Doesn't Care".
Ang PLDT Cares ang Twitter account ng kumpanya para sa customer service support nito.
Nag-post din ito ng larawan ng mukha na simbolo ng grupo ng hackers na Anonymous. Binanggit ng nagpapakilalang hacker ang pangangailangan ng mga Pilipino ng mabilis na internet connection sa gitna ng pandemic.
"As the pandemic arises, Filipinos need fast internet to communicate with their loved ones. Do your job. The corrupt fear us, the honest support us, the heroic join us. We are Anonymous. We are Legion. We do not forgive. We do not forget . Expect us.," ayon sa post ng pinaniniwalaang hacker.
Alas-dos ngayong hapon, umani ng mahigit sa 20,000 likes at mahigit 1,600 komento ang post sa loob lamang ng isang oras.








Comments