Kung dati, puro pa-deliver ang pagkain... JASMINE, NAWALAN NG KAYOD, TODO-TIPID NGAYONG LOCKDOWN
- Erlinda Rapadas
- May 27, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
May hatid na leksiyon sa marami ang quarantine protocols na pinaiiral dahil na rin sa COVID pandemic. Maging ang mga artista ay nagkaroon ng realization sa maraming bagay.
Napahalagahan ang kanilang kalusugan at ang kanilang pamilya.
Dahil sa matagal-tagal na community quarantine kung saan obligado ang lahat na manatili sa loob ng bahay, mas nabigyan nila ng importansiya ang tamang pagba-budget, pagtitipid at pag-iipon.
Kung dati-rati ay nahihilig sa pagsa-shopping at pagbabakasyon abroad ang mga artista, ngayon, tiyak na hindi na ito ang magiging prayoridad nila sa buhay. Magiging wise spender na sila tulad na lang ng ilang Kapuso stars na sina Kris Bernal, Bianca Umali at Jasmine Curtis.
Si Kris Bernal, lagi raw nakalista ang lahat ng kanyang binibili at ginagastos araw-araw. Palibhasa'y negosyante rin kaya alam niya kung gaano kahirap kumita ng pera.
Si Bianca naman, palibhasa'y marami sila sa bahay ay lingguhan daw kung mamili ng supply ng pagkain upang makatipid.
Si Jasmine, kung dati ay puro delivery ang pagkain, medyo nagtitipid na rin ngayon.





Comments