top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Binash ng netizens, sinuwerte pa… KIM, PINAGKAKITAAN ANG BAWAL LUMABAS SONG

  • Beth Gelena
  • May 27, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Ang nilalait na school analogy ni Kim Chiu na Bawal Lumabas, ngayon ay sikat na sikat na at pinagkakakitaan pa ng Chinita Princess.

Hindi akalain ni Kim na ang batikos na tinatanggap niya mula sa mga netizens ay magbibigay pala sa kanya ng pagkakakitaan.

Ginawan ni Adrian Crisanto ng lyrics ang Bawal Lumabas (The Classroom Song) na ngayon ay aliw na pakinggan ng mga netizens kung saan si Kim mismo ang kumanta.

Nilagyan naman ni DJ Loonyo ng steps ang nasabing kanta dahil danceable ito.

Sinamahan ni DJ Loonyo si Kim sa Galaw Challenge nito at nakabuo sila ng choreo.

Aside sa kanta ay may merchandise na rin ang Bawal Lumabas. Inilunsad ni Kim ang Bawal

Lumabas merchandise and dance steps nu’ng Lunes sa kanyang YouTube channel.

Ang malilikom na pondo, itutulong ni Kim sa mass testing ni Angel Locsin at ipambibili ng food packs para sa mga pamilya na apektado sa enhanced community quarantine.

So far, umaarangkada ang views ng Bawal Lumabas (The Classroom Song).

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page