top of page
WINNER - VINCENT, NASA ‘PINAS PA RIN, PARENTS, ‘DI NA KAYANG BUMIYAHE PA-SPAIN-FB Circulat

Binatang may 2 birthday, gustong mamili ng suwerteng petsa na gagamitin sa mga dokumento

  • Maestro Honorio Ong
  • May 26, 2020
  • 3 min read

Dear Maestro,

Naisipan kong kumonsulta sa inyo dahil dalawa ang birthday ko, kaya dalawang beses ko rin itong ipinagdiriwang. Ang una ay August 2, 1990, na dating pagkakaalam ko, pero nang makuha ko ang birth certificate ko sa PSA ay natuklasan kong August 1, 1990 pala ang birthdate ko na nakarehistro roon.

Nag-a-apply ako sa abroad at itong birthday ko na August 1, 1990 ang balak kong gamitin sa mga pepeles ko. Sa palagay ninyo, saang birthday ako higit na susuwertehin? May pag-asa kayang suwertehin ako sa ibang bansa sakaling matapos na ang Covid-19 at ituloy ko na ang pag-a-apply ko sa abroad?

Umaasa,

Mr. Confused ng San Bartolome, Novaliches, Quezon City

Dear Mr. Confused,

Tama ang iniisip mong mag-apply sa abroad pagkatapos ng suliranin ng mundo sa Covid-19 dahil pangkaraniwan sa mga taong may zodiac sign na Leo tulad mo ang nakapangingibang-bansa.

Samantala, kung ang gagamitin mong birthday ay August 2, 1990 bilang opisyal na birthday, lumalabas na ikaw ay may birth date na 2, sa destiny number na nagkataong two (2) din, (8+2+1990=2000/ 20+00=20/ 2+0=2) sa zodiac sign na Leo.

Gayunman, kung ang gagamitin mo naman ay ang birthday mong August 1, 1990, lumalabas na ikaw ay may birth date na 1 sa destiny number na nagkataong one (1) rin (8+1+1999=118/ 11+8=19/ 1+9=10/ 1+0=1) sa zodiac sign na Leo.

Ibig sabihin, kapag August 2, 1990 ang ginamit mo, ikaw ay nagtataglay ng weak number na 2 na kaakibat ang planetang Moon, sa destiny number na weak number na two (2) rin, sa zodiac sign na Leo. Ibig sabihin ng numerong two (2), mahina ang iyong personalidad, kaya makapag-abroad ka man o magtagumapy sa buhay, matagal na mangyayri ito at dadaan ka muna sa mahabang pagsubok at proseso.

Kung ang birthday mo namang August 1, 1990 ang gagamitin mo, ikaw ay nagtataglay ng birth date na 1 na may planetang Sun, sa destiny number na nakataong one din (1) sa zodiac sign na Leo kung saan ang Leo ang may taglay na planetang Sun at may katumbas ding numerong 1. Ang “one” ay “super strong” na number, kaya naman kapag ito ang ginamit mo, mas mabilis kang susuwertehin at anuman ang ginagawa mo sa buhay ay tiyak na ikaw ay bigla-bigla ring uunlad at aasenso.

Ibig sabihin, kung pag-a-abroad at pagpapayaman ang layunin, tamang-tama sa iyo ang birthday na August 1, 1990 dahil ang mga “taong one” ay likas na sinusuwerte sa pag-a-abroad. Gayundin, sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay, tunay ngang hindi sila nauubusan ng magagandang kapalaran dahil ang kanilang guiding star ay Sun o Haring Araw.

Upang lalo pang gumanda ang iyong kapalaran, kalimutan mo na ang birthday mong August 2, 1990, sa halip, ang August 1, 1990 mo nang birthday ang dapat mong gamtin sa mga dokumento at ito na ring birthday na ito ang iyong ipagdiwang, upang tuluy-tuloy nang mapasaiyo ang mas magaganda at positibong kapalaran, lalo na sa aspetong pagpapayaman at pangmateryal na bagay.

Kapag sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit na sa itaas, tiyak ang magaganap, sa 2021 sa edad mong 31 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Pagtuntong mo ng edad 40 hanggang 41 patatas, sa 2030 hanggang 2031, magsisimula ka nang umunlad hanggang sa matupad ang lahat ng mga pangarap at layunin mo buhay—makapag-a-abroad ka at yayaman nang yayaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page