Todo-displey man ng kayamanan... HEART, AMINADONG ‘DI PA RIN MALIGAYA KAHIT SUPER-DAMING PERA
- Erlinda Rapadas
- May 25, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Naging emosyonal ang Kapuso actress na si Heart Evangelista nang ma-interview ni Jessica Soho sa programa niyang Kapuso Mo, Jessica Soho. Naiiyak at halos hirap magsalita si Heart nang aminin niyang bago pa nag-lockdown ay dumaranas na siya ng matinding depression at anxiety attack.
Wala naman siyang makausap na mga kaibigan na puwede niyang pagsabihan ng kanyang nararamdaman.
Hindi rin niya maipaliwanag kung saan nanggagaling ang kanyang depression. Pero, isa raw factor ay ang pagkamatay ng dalawa sa alaga niyang aso.
Nilabanan naman ni Heart ang kanyang anxiety at depression. Nagpakaabala siya sa pagpipinta at sketching. Nag-repack din siya ng mga medical kits at PPEs na ido-donate sa iba't ibang ospital. Nag-repack din siya ng relief goods na ipinadala sa Sorsogon kung saan ang namahagi ay ang mister niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero at kanyang staff.
May paboritong aso si Heart na si Panda na nagbibigay sa kanya ng moral support. Nakikiiyak ang aso kapag nakikita niyang umiiyak din si Heart.
Inamin ni Heart kay Jessica Soho na marami rin siyang problema na akala lang ng iba ay maligaya ang kanyang buhay dahil sagana siya sa mga mamahaling bagay.





Comments