Bike lane sa EDSA, malaking tulong sa mga manggagawa
- Editoryal
- May 25, 2020
- 1 min read
Malaking problema pa rin para sa ilan nating kababayan ang transportasyon kaya kani-kanyang diskarte muna ang mga manggagawa makapasok lang sa trabaho.
Dahil hindi lahat ay de-kotse, may motor o may pa-shuttle ang kumpanya, marami ngayon ang tumatangkilik sa bisikleta.
Kaugnay nito ay nag-setup ng bike lane ang Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) sa EDSA bilang paghahanda na rin sa “new normal”.
Naglagay na sila ng harang o mga plastic barriers sa ilang bahagi ng EDSA upang magsagawa ng dry run.
Ayon kay MMDA traffic chief Bong Nebrija, segment by segment ang paglalagay nila ng bike lanes sa pangunahing kalsada sa mga susunod na araw.
Samantala, nagpaalala naman ang MMDA sa mga magbibisikleta na palaging magsuot ng protective gear para iwas-disgrasya.
Batid natin na pahirapan ang transportasyon sa ilalim nitong “new normal” kaya magandang ideya ang inisyatibo ng gobyerno para sa alternatibong mode of transportation ng mga tao.
Gayunman, hangad nating iprayoridad ang kaligtasan ng mga magbibisikleta kaya paalala sa mga bikers na siguraduhing merong ilaw ang kanilang bisikleta, mangyari rin na maglagay ng rear view side-mirrors at portable horns.
Sana lang din ay huwag pasaway ang ibang motorista, kapag sinabing “bike lane”, dapat walang hahalong ibang sasakyan, period.
Marahil, kailangan nang malinis ang Pambansang Pulisya sapagkat habang tumatagal ay lumalala ang ilan sa kanila. Dinudungisan at sinasayang lamang ng mga kapalmuks na ito ang sakripisyo ng mga matitino nilang kabaro.





Comments