top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ayaw tigilan ng mga bashers... KIM, NAG-ENGLISH SA POST, TINAWAG NA BOBA

  • Nitz Miralles
  • May 25, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Ayaw tigilan ng mga bashers si Kim Chiu at kahit ang post nito tungkol sa suicide ng Japanese pro wrestler at cast ng Japanese reality show airing in Netflix na si Hana Kimura ay na-bash pa rin.

Ikinuwento lang ni Kim na nagulat siya nang malamang nag-suicide ang Japanese celebrity dahil sa cyberbullying, siya naman ang binalingan ng basher.

Sabi kasi ni Kim “PLEASE CHOOSE TO BE KIND” dahil hindi natin alam ang pinagdaraanan ng ibang tao. Ang payo pa niya sa mga netizens, kung ayaw daw sa tao, in-unfollow na lang at hindi ‘yung pagsasalitaan ng masasakit.

Kasasabi lang ni Kim na “be kind with your words,” may humirit agad na basher, tinawag siyang b*ba at kinuwestiyon pa ang English post ni Kim. Tinanong kung sino ang nagsulat ng post niya, kanyang ipapa-trending sa Twitter at kay Kim mapupunta ang kikitain sa social media.

Simple lang ang reaction ni Kim sa basher, “Feel free to unfollow! BE KIND!”

Pinayuhan si Kim to ignore her basher na nalaman ng kanyang mga followers na troll lang dahil zero post at zero followers si @ryansoriano9_70.

Anyway, habang marami ang nagngingitngit kay Kim, masaya nitong ibinalita na out na sa Spotify, iTunes, Apple Music, YouTube, Deezer at Amazon ang kanyang controversial song na Bawal Lumabas The Classroom Song.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page