top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

IÑIGO, TODO-TANGGOL KAY KATHRYN NA TINAWAG NA SAKANG, DEDMA NU'NG SI MARIS ANG BINASH NG DDS

  • Beth Gelena
  • May 22, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

UMALMA ang mga fans ni Maris Racal nang ipagtanggol ni Iñigo Pascual sa kanyang socmed account si Kathryn Bernardo.

Ani ng mga fans ng young actress, “Nu'ng si Maris binash, wala kaming narinig sa 'yo.”

Si Iñigo ay ang dating ka-love team ni Maris.

Ipinagtanggol ng anak ni Piolo Pascual si Kathryn matapos kuyugin ng mga bashers nang ipagtanggol ng aktres ang ABS-CBN na kanyang home studio.

Hindi ang #NotoABS-CBNShutdown isyu ang ibinato kay Kathryn kundi maging ang legs ng aktres. Sakang umano si Kathryn na inamin naman nito sa kanyang vlog.

Pero sobrang pagtatanggol ang ginawa ni Iñigo kay Kathryn dahil kaibigan niya ang aktres simula nang magkasama sila sa movie na Crazy Beautiful You nu’ng 2014.

Post ni Iñigo sa kanyang socmed, “wtf is wrong with people making a trend about Kath like that?

“May nakuha ba kayo sa ginagawa n'yo?

“At least Kath is very successful...”

Nag-react ang MarNigo fans. Hindi naging maganda ang dating ng tweet ni Iñigo para sa mga fans nila ni Maris.

Ani ng Marnigo, "Nu'ng si Maris binash, wala kaming nakitang tweet o narinig sa 'yo na ganyan, Nigs.”

“Sana ganyan din ginawa mo kay Maris. Kahit isang tweet lang sana na maiparamdam mo sa kanya na may simpatya ka sa kanya. Trending din ‘yung pamba-bash nila, eh.”

Si Maris ay na-bash nang husto nang mag-tweet noon ng pagkadismaya sa gobyerno.

Mga DDS (Digong Duterte Supporters) ang nang-bash sa young actress nu’ng nakaraang Abril.

“Bakit nu'ng si Maris ang binash, hindi ka man lang nag-post ng ganyan Iñigo. Sa tingin ko, mas kailangan niya ng karamay nu'n galing sa isang kaibigang tulad mo nu'ng binash siya, pero wala man kaming nakita na ganyan.”

Hindi sinagot ni Iñigo ang sinuman sa MarNigo fans.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page