top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ex-WWE star Gaspard na nilamon ng alon sa beach natagpuan na ang bangkay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21, 2020
  • 1 min read

Natagpuan sa pampang ng isang beach resort ang bangkay ni dating World Wrestling Entertainment star Shad Gaspard nitong Miyerkules ng umaga mula nang malunod ito dahil biglang paglakas ng alon noong linggo, ayon sa pulisya.

Isang patrol officer ang inabisuhan na bandang ala-una ng madaling araw ay may natagpuang labi sa dalampasigan ng beach, ayon sa Los Angeles Police Department.

“The decedent was identified as Shad Gaspard and next of kin was notified,” aniya.

Si Gaspard, 39-anyos ay nawawala mula nang mag-swimming ito sa kasama ang 10-anyos niyang anak na si Aryeh. Nailigtas ang bata pero patuloy na hinahanap ang wrestler na tinangay ng malakas na alon sa Venice Beach.

Huling namataan si Gaspard ng mga lifeguards habang lumalangoy ito ng 50 yarda ang layo sa pampang, ayon sa pulisya bago ito nilamon ng malaking alon.

“When last seen by the lifeguard, a wave had crashed over Mr. Shad Gaspard and he was swept out to sea, " ayon sa statement ng pulisya.

Si Gaspard ay kasama sa tag team group ng Cryme Tyme katambal si JTG. Mula nang magretiro ito sa WWE noong 2010, nag-artista ito sa TV at pelikula kasama siya sa “Get Hard” comedy ni Kevin Hart noong 2015.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page