top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ABS-CBN, 'di pa rin makabalik... MORNING SHOW NINA KARLA, JOLENS AT MELAI, HANGGANG ONLINE LANG

  • Erlinda Rapadas
  • May 21, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Wala pang ganap na katiyakan kung kailan magbabalik sa ere ang mga regular shows ng ABS-CBN dahil sa Senado na dinidinig ngayon ang tungkol sa renewal ng franchise ng network.

Kaya naman may ginawang solusyon ang ilang shows upang kahit papaano ay mapanood pa rin sila ng kanilang mga suking viewers.

Ang Magandang Buhay na nagsimula noong 2016 hosted by Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ay napapanood na lang muna online.

Sa mahigit na tatlong taon nina Jolina at Melai sa Magandang Buhay ay umabot na rin sa puntong pareho silang nagbuntis at nagkaanak muli, samantalang si Karla naman ay formal na ipinakilala ang BF niyang si Jam Ignacio at nag-guest pa ito sa Magandang Buhay.

Mas lumawak din ang kaalaman nina Karla, Jolina at Melai sa kanilang hosting job. Masaya ang bawat episode na kanilang inilalabas kaya hindi na nila pinagtagal ang paghihintay ng mga suki ng Magandang Buhay at kahit na sa online ay sumabak na rin ang mga momshies.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page