top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Proud na sa edad 55, yummy pa rin... GABBY, IDINISPLEY ANG KATAWAN HABANG NAKA-LOCKDOWN

  • Nitz Miralles
  • May 20, 2020
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Ikinumpara si Gabby Concepcion kay Hugh Jackman, gumanap na Wolverine sa X-Men series dahil sa looks ni Gabo ngayon na hindi nag-aahit at hindi nagpapagupit.

Halos buong mukha na ng aktor ang may balbas at bigote at naalala namin ang nabanggit nito minsan na saka lang siya magpapagupit at mag-aahit kapag na-lift na ang ECQ.

Inabot din ng lockdown si Gabby sa beach house niya sa Lobo, Batangas, walang gaanong nakakasalamuha, all the more reasons para hindi siya mag-ahit at magpagupit.

Pero sa latest post ni Gabby, ang fit na katawan na resulta raw ng workout ang ipinakita niya sa kanyang mga followers. Napahanga ang mga netizens dahil sa edad niyang 55, maganda pa rin ang katawan ni Gabby at may abs nang makikita. Ilang extension pa ng lockdown at magkaka-six-pack abs na ang aktor.

Kapag naman nagsimula na ang taping ng teleserye nina Gabby at Marian Rivera na First Yaya, balik sa pagiging malinis ang mukha ni Gabby. Mabilis mawawala ang kanyang balbas at bigote at ang mahabang buhok.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page