MGA ARTISTANG NAWALAN NG TRABAHO, KANI-KANYANG BENTA NG PAGKAIN ONLINE
- Erlinda Rapadas
- May 20, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
Naniguro na ang maraming artista na nawalan ng trabaho at projects nang manalanta ang COVID-19 na nakaapekto sa movie industry.
Dahil naka-lockdown at nasa bahay lang, may mga nag-isip ng kanilang puwedeng pagkakitaan habang naka-quarantine.
Si Ai Ai delas Alas, gumawa ng ube pandesal na mabentang-mabenta ngayon, pati na ang iba pang produkto ng kanyang Martina's Pastries.
Si Ara Mina, bestseller ang kanyang Hazelberry Choco Cheesecake.
Si Lotlot de Leon, ready to eat meals at cooked meat and pastries ang ginawang negosyo.
Samantalang si Janice de Belen na isa na ring chef ay online food business naman ang pinagkakaabalahan.
Maging si Judy Ann Santos-Agoncillo na sanay na sanay na rin sa resto business ay maraming suki na nagpapa-deliver din.
Dati-rati, sina Ice Seguerra at Liza Diño ay may bottled adobo na patok na patok din. Sayang at hindi na nila ito itinuloy.
Maging ang big time na alahera ng mga artista na si Rexy Tiangco, suma-sideline na sa pagde-deliver ng kanyang specialty na sinaing sa gata na tulingan, laing, special fresh ubod lumpia at bagoong alamang.





Comments