top of page

Mga araw at petsa kung kailan dapat gawin ang plano para gumanda ang buhay ng Taong Nuwebe

  • Maestro Honorio Ong
  • May 18, 2020
  • 1 min read

Dear Maestro,

Ano ang aking masuwerteng araw, petsa, kulay at numero, para suwertehin naman ako sa buhay? April 18, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,

Mhelay ng Padre Burgos, Cabanatuan City, Nueva Ecija

Dear Mhelay,

Ayon sa zodiac sign mong Aries at birth date na 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9), ikaw ay mapalad sa lahat ng numero na may sumatotal na 3-6-9, tulad ng 12, 21, 30, 15, 24, 33, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito, sapagkat ikaw ay under sa planetang Mars. Ang nasabing mga numero ang siya ring mapalad mong petsa, kung saan dapat mong ikilos at isagawa ang mga bagay na iyong binabalak upang matiyak ang tagumpay.

Dagdag pa rito, bukod sa nasabing mga numero, mapalad ka rin sa kulay na pula, habang ang asul at violet ang magiging secondary color mo. Suwerte naman sa iyo ang mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.

Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran tuwing sasapit ang ika-21 ng Oktubre hanggang ika-27 ng Disyembre, mula sa ika-21 ng Marso hanggang ika-27 ng Abril at mula sa ika-21 ng Hulyo hanggang ika-27 ng Agosto.

Ka-compatible mo naman silang mga isinilang sa zodiac sign na Leo, Sagittarius, Libra, at kapwa mo Aries, higit lalo silang may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, 24, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28.

Significant at favorable years mo naman ang 2021, 2022 at 2027. Sa nasabing mga taon, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang tuluy-tuloy at kusang darating sa iyong buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGARY - BEA, NOT ONCE BUT TWICE NANG NAUDLOT ANG KASAL-IG _beaalonzo.jpg
bottom of page