Kumpleto pa ng gamit... MARCELITO, NAGPATAYO NG BAHAY PARA SA MATANDANG BABAE
- Nitz Miralles
- May 18, 2020
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
Maayos ang bahay na ipinatayo ni Marcelito Pomoy para sa isang matanda na si Nanay Aurora. Disente ang bahay at hindi gaya ng maayos pa ang bahay ng pets ng mayayaman.
Naiyak at hindi matapus-tapos ang pasasalamat ni Nanay Aurora kay Marcelito sa ready house na ipinatayo para sa kanya.
Bukod sa bahay, binigyan din ni Marcelito ng bed at dining set, iba pang gamit sa bahay at groceries si Nanay Aurora.
Walang pamilya si Nanay Aurora at walang masyadong tumutulong.
Sabi naman ni Marcelito, hindi lang siya ang tumulong kay Nanay Aurora, marami ang nag-donate para mabigyan ito ng maayos na bahay.
Ang concern lang ng mga netizens, sana, lagyan ng kisame ang bahay dahil mainit ang yero.





Comments