Anak ng drug lord, nilikida ng riding-in-tandem
Bacolod City—Isang anak ng convicted drug lord ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa BS Aquino Drive.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Gerald Cuadra, anak ng tinaguriang drug lord ng Bacolod City na si Jose Kim Cuadra, kasalukuyang nakapiit sa New Bilibid Prison.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang SUV si Cuadra nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril, samantalang namatay sa pinangyarihan ng ambush ang biktima.
Kasalukuyan nang pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek.





Comments