top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Anak nina Sharon at Kiko, 'di raw papatalo... FRANKIE, TINAWAG NA BOBO, STUPID AT BIDA-BIDA, TOD

  • Beth Gelena
  • May 17, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

HINDI na nakatiis ang anak nina Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan kaya inalmahan na ang kanyang mga bashers.

Napuno na ang comments section ng social media account ni Frankie ng pawang panlalait sa kanya sa loob ng isang taon at hanggang ngayon ay hindi siya tinatantanan.

Ipinost ng 19-year-old na anak ni Mega sa kanyang Twitter account ang sandamakmak na negative comments sa kanya.

May nagsasabing "b*bo" siya na anak ng b*bong senador, stupid girl at bida-bida.

“Oii b*bang anak ng b*bong senador na Pangilinan, 'lam mo, Neng, kung ano'ng taas ng pinag-aralan mo at ganda ng iskul mo 'yun ang b*bo mo, singb*bo mo tatay mo. Isa kang cancer sa lipunan. Kung wala kang masabing matino, shut-up ka na lang. Gusto mo, ikaw na lang i-frontline. Masyado kang maraming alam, bida-bida ka, eh, b*bo ka naman. Naturingang nag-aral ka sa abroad, ang b*bo mo,” ani ng basher.

Sagot naman ni Frankie sa grabeng nanlait sa kanya, “For all the times you managed to make me question my self-worth, for all the times you threatened to find me, hurt me, kill me, for all the times you tried to silence me, and for everyone who’s felt the same – for everyone who deserves better. #WeBlockAsOne

Sinabi pa ng anak ni Shawie na kung galit sa kanya, bakit daw obsessed ang commenter?

“Every single damn day for the last year at least??? Like get a f'kin life if u hate me so much why u obsessed with me.”

Sinabihan pa si Frankie na kung wala raw magandang masasabi, “Better quarantine your big mouth.”

Kung anu-ano pang below-the-belt ang sinabi ng basher against Kakie pero hindi naman siya nagpapatalo. Kahit daw paulit-ulit niyang basahin ang mga komento ay carry naman niya.

Aniya, “Anyway, I have a brain and a mirror lmao (laughing my ass off).”

Talagang palaban ang second Mega Daughter dahil may pahabol pa siyang pang-aasar sa kanyang mga bashers.

“OK last na – if any of these contextually superficial ass things are your consistent crutch/es: the word b*bo, my voice, my looks, my relationship status, my family members’ love lives, and you can’t make any substantial fact-based arguments, eh, di panalo ako, 'di ba?”

Tanong tuloy ng mga netizens, “Seryosong tanong. Bakit ba ang daming basher nito kaysa sa ate niya?

“May nagawa ba siya or something? 'Yung iba naman na may sikat na parents like her, wala pa akong nababasa or nakikitang hate towards them. Si Frankie, halos lahat, gigil sa kanya. She looks nice naman and smart.”

Pero kahit naman daw ang sister niyang si KC ay marami ring bashers.

“Hello, 'di ba ate n'ya, marami ring bashers? About sa weight and love life nga lang.”

“She’s not smart. Ang dami n'yang sablay na opinion based on her sheltered life. Isa pa, she wouldn’t study in an unknown university abroad if she really is smart.”

Kaya raw maraming bashers si Frankie ay dahil ‘feeling matalino’, halos sablay naman daw ang ipinaglalaban.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page