Lola na drug pusher, arestado
Camarines Sur—Inaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya ang isang lola na drug pusher kamakalawa sa bayan ng Canaman.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Loida Natividad, 60-anyos at nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang pulisya sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu ni Natividad ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng ilang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Natividad na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments