Kris at 2 anak, alagang-alaga ni Willie sa Puerto Galera

Pansin namin na tipong pumopogi si Willie Revillame or Kuya Wil to many sa kanyang hairdo now at pagsusuot ng Americana sa kanyang Tutok To Win na umeere sa Facebook page ng Wowowin.
And take note, iniwan niya sa Puerto Galera sina Kris Aquino, Joshua at Bimby pero hindi na nakatira ang mga ito sa kanyang beach house kundi nagre-rent na lang daw du'n ang mag-iina sa isang hotel.
And take note uli, iniwan daw sa kanila ni Willie ang isang staff nito named Check to assist Kris and her two sons sa kung anuman ang maitutulong nito sa mag-iina.
Hmmnnn… ano kaya kung ang ending after lockdown ay sina Kris at Willie na?
Well, not imposibol 'coz pareho namang loveless ang dalawa so far. At tipong labs naman nina Joshua at Bimby ang kanilang Kuya Wil.
Kaya lang, if ever, baka mas maraming LQ, not "lockdown o quarantine" but "lover's quarrel" ang mangyari 'coz ayon sa obserbasyon ng ilang pipol in the know ay tipong demanding si Kristeta at si Kuya Wil naman ay tipong nagger… boom, ganernnn?
Well, if meant to be sila, meant to be if ever, 'noh! At 'pag nabalik na sa normal ang airing ng mga TV shows, puwedeng maging co-host ni Willie Boy si Kris sa kanyang Wowowin.
'Yun lang and I thank you.





Comments