top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Balik-operasyon ng ABS-CBN, aprub sa Kongreso

Mercy Lejarde
May 14, 2020
2 min read

Ang latest update tungkol sa shout-out regarding "No To ABS-CBN Shutdown" ay inaprubahan na ng mga kongresista sa pangunguna ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang bill na pumapayag na magbalik-operasyon o mag-broadcast uli ang Kapamilya Network habang dinidinig ang provisional franchise ng network.

So, no need nang i-suggest ng ilang madlang pipol na i-remake ni Cardo Dalisay of Ang Probinsyano ang two old films titled Kapag Napuno Na Ang Salop at Babangon Ako At Dudurugin Kita. Enough na, 'coz ang dami na niyang bashers, 'noh! Yes, tipong mas marami siyang bashers kesa faneys, ganerrrnn? Weeehhh, 'di nga?

Eh, bakit tumagal ang airing ng kanyang Ang Probinsyano serye nang more than 3 years now kung konti lang ang kanyang faneys, 'di ba, 'di baaa? Saka, may point naman si Coco Martin sa pagsasabing…

"Kung lahat tayo, mananahimik… aabusuhin tayo…. Kung lahat na lang, walang trabaho, ano'ng iingatan natin?” Korek! Kung lahat na lang tayo ay nasa loob ng bahay na tipong house arrest dahil sa ECQ, paano na ang ekonomiya ng bansang 'Pinas? Kung no work, no pay, sino na ang magbabayad ng tax sa BIR?

Ano na ang kikitain ng MRT at LRT kung paiiralin pa rin ang enhanced community quarantine? Paano na ang kikitain ng mga malls, restaurants, etc., ng mga pampublikong transpo… etc. etc.?

Oo nga, meron nang modified ECQ at puwede nang pumasok sa work nila ang iba nating kababayan, pero ano ang kanilang sasakyan kung wala pa ring public transportation like jeepneys, tricycle, taxi at buses? Alay-lakad ba kamo, Ateng Janiz? Weeehhh, sa ineeettt ng panahon, baka ang ending mo, heatstroke, 'noh! Mas gugustuhin pa ni yours truly ang trapik kesa lockdown para hindi tayo ma-down lalo na ang ating kabuhayan package, sa true lang. 'Yun na! Esep-esep naman diyan, mga kababayan.

Huwag nating kalabanin si President Rodrigo Duterte bagkus ay tulungan natin siyang makapag-isip sa pagbibigay ng magagandang suggestions. Hindi siya ang kalaban natin kundi ang biological weapon called Corona Virus 2019 na gawa raw o nagmula sa isang bansa.

Ang suggestion lang namin ay talagang kailangan na niyang alisin ang enhanced community quarantine para mabalik ang normal nating pamumuhay, pati na rin ang lahat ng investors natin dito sa 'Pinas, para swak lang ang saying na…

"Babangon tayo…” in pernes. 'Yung mga pasaway na lumalabag sa social distancing, 'di pagsusuot ng face mask, bahala sila sa buhay nila! Run for your life, 'ika nga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page