top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Parak, sinaksak sa checkpoint

BRT
May 13, 2020
1 min read

Negros Occidental—Sugatan ang isang pulis nang saksakin ng isang lalaki na kanyang sinita sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. Talubangi, Kanbankalan City.

Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan at kamay na si P/Sgt. John Perez, nakatalaga sa Kabankalan City Police Station, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek na ayon sa mga residente ay may diperensiya sa pag-iisip.

Ayon sa ulat, sinita ni Perez ang suspek nang mapadaan ito sa checkpoint na may dalang bote, pero bigla itong binasag at pinagsasaksak ng lalaki ang biktima.

Kaagad namang naaresto ng mga kasamahang pulis ni Perez ang suspek.

Nakapiit na ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong frustrated murder.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page