Research professor ng COVID-19 sa Pittsburgh, tinadtad ng bala, patay
- Lolet Abania
- May 6, 2020
- 1 min read

PITTSBURGH, PA. – Isang research assistant professor ng University of Pittsburgh, na sa masusi niyang pag-aaral ay nakagawa ng “napakamakabuluhang mga tuklas” patungkol sa COVID-19, ang binaril at namatay sa tila murder-suicide na pangyayari, ayon sa paaralan at pulisya.
Si Dr. Bing Liu ay natagpuan sa kanyang tahanan at nagtamo ng tama ng bala sa ulo, leeg at iba’t ibang parte ng katawan, ayon sa report ng Ross Police Department.
Pinaniniwalaan ng mga imbestigador na isang hindi nakikilalang lalaki, na nakita ring patay sa kanyang kotse malapit sa insidente, ang bumaril at pumatay kay Dr. Liu sa tahanan nito, pagkatapos ay bumalik ito sa kanyang sasakyan at saka nagpakamatay.
Dagdag pa ng pulisya, maaaring magkakilala ang dalawa subalit walang indikasyon na si Liu na isang Intsik, ang pakay nito. “There is zero indication that there was targeting due to his (Liu) being Chinese,” ayon kay Detective Sgt. Brian Kohlhepp.
Nag-isyu na ng statement ang unibersidad tungkol dito na sinasabing “deeply saddened by the tragic death of Bing Liu, a prolific researcher and admired colleague at Pittsburgh. The University extends our deepest sympathies to Liu’s family, friends and colleagues during this difficult time.”
Samantala, inilarawan ng mga miyembro ng school of medicine ng unibersidad na ang kasamahan nilang si Liu ay isang outstanding researcher at mentor. Gayundin, nangako silang tatapusin ang naumpisahang pag-aaral ni Liu, “in an effort to pay homage to his scientific excellence.”
Matagal nang ginagawa ni Liu ang research na ito upang mas maunawaan ang ‘cellular mechanisms’ patungkol sa COVID-19.
Comments