top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Todo-asa sa magulang at kapatid sa pagtustos ng 2 anak, habambuhay magiging single mom kung ‘di kiki

  • Maestro Honorio Ong
  • May 5, 2020
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Nakapag-asawa na ako dati pero nagkahiwalay kami, tapos napansin kong iisa lang ang Marriage Line sa aking palad. Ibig sabihin ba nito ay hindi na ako makapag-aasawa muli dahil iisa lang ang Marriage Line sa aking palad?

  2. Kung hindi na ako makapag-aasawa, makakaya ko bang pag-aralin at bigyan ng magandang kinabukasan ang aking dalawang anak na iniwan sa akin ng asawa ko?

  3. Sa ngayon, umaasa lang ako sa tulong ng mga kapatid at magulang ko. Sa palagay ninyo, Maestro, may maganda pa kayang future na mangyayari sa buhay ko dahil madalas nawawalan na ako ng pag-asa?

Kasagutan

  1. Huwag kang mawawalan ng pag-asa, Ms. Lonely, dahil mali ang tingin mo sa guhit ng iyong palad, sapagkat iisa nga ang Marriage Line (Drawing A. 1-M arrow a.) sa kaliwang palad, subalit, tingnan mong mabuti ang kanan mong palad. Kitang-kita ang dalawang Marriage Line (Drawing B. 1-M, 2-M arrow a. at b.). Ibig sabihin, kapag magkaiba ang guhit ng palad sa kaliwa at kanan, tulad ng sa iyo na isa lang ang Marriage Line (Drawing A. arrow a.) sa kaliwa pero dalawa sa kanan (Drawing B. arrow a. at b.), ito ay tanda na puwede mong gawin ang dapat mong gawin sa halip na umasa ka sa takdang kapalaran.

  2. Sa mas malinaw na paliwanag, kung maghihintay ka na may dumating na lalaki sa buhay mo para makapag-asawa ka ulit, pero hindi ka naman lumalabas ng bahay, naghahanap ng trabaho o gumagawa ng paraan para magkaroon ka ulit ng mga kaibigang lalaki, walang darating dahil wala namang ikalawang guhit ng Marriage Line (Drawing A. 2-M arrow b.) sa kaliwa mong palad.

  3. Ibig sabihin, kailangang gamitin mo ang iyong will power, determinasyon at pagsisikap upang magkatrabaho at makapag-asawa kang muli. Sapagkat kapag inasa mo na lang sa kapalaran ang lahat ng pangyayari sa iyong buhay, tulad ng kasalukuyang nagaganap, magiging palaasa ka sa iyong mga magulang at kapatid habambuhay at hindi ka na ulit makapag-aasawa. Subalit kapag sinabi mo sa iyong sarili na, “Mag-aasawa akong muli at ito ang aking pasya,” kusang mangyayari ang gusto mo – makapag-aasawa ka sa lalong madaling panahon.

Dapat Gawin

Habang, ayon sa iyong mga datos, Ms. Lonely, sa sandaling natapos na ang suliranin ng mundo sa Covid-19 pandemic, lumabas ka ng bahay, maghanap ng trabaho at makisalamuha –walang imposible, kahit nilayasan ka ng una mong asawa, sa nasabing panahon sa edad mong 38 pataas, muli kang makapag-aasawa at habambuhay na magiging liligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page