top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Julia, deadma kahit maraming pumalag sa braless photo niya, ayaw burahin sa IG

  • Nitz Miralles
  • May 5, 2020
  • 3 min read

Nitz Miralles / Bida

Anak nina Dingdong at Marian, 4-anyos pa lang, awang-awa na sa mga apektado ng COVID-19 Very proud sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa eldest nilang anak na si Zia dahil sa edad nito (she’s 4 years old), aware na siya sa nangyayari sa buong mundo at sa ating bansa.

Kuwento nina Dingdong at Marian, “We pray together as a family every night. It was an unexpected and touching moment when we heard Zia’s prayer intentions, ‘Please Papa God, sana no more virus na kasi dami na wawa people naman outside. Please, please get out virus.'”

Inulit ni Zia ang pagsasabing kawawa ang mga tao outside, kaya pinuri siya ni Fr. Tito Caluag at pinuri rin nito sina Dingdong at Marian dahil sila ang nakikitang example ng kanilang anak at ginagaya lang nito ang nakikitang concern ng parents niya sa mga taong apektado ng COVID-19.

May kuwento pa kay Zia noong magluto ng spaghetti si Marian para sa mga frontliners. Nagtanong ang bagets kung bakit maraming nilulutong menudo ang mama niya at humingi ng isang pack sa mga inihahanda ni Marian.

Nang malamang para sa mga frontliners ang spaghetti, sauce na lang ang hiningi niya kay Marian para hindi mabawasan ang ibibigay sa mga frontliners. Pero siyempre, binigyan ni Marian ng isang pack ng spaghetti si Zia.

Nai-share naman ni Dingdong na kaya sobrang espesyal kay Marian ang pagluluto ng spaghetti na ipinadala sa UP NIH at National Center for Mental Health (NCMH) ay dahil sa nasabing ospital unang nagtrabaho ang aktres pagka-graduate niya ng Bachelor of Arts in Psychology at bago pumasok ng showbiz.

***

MATTEO, TAGALUTO NI SARAH

Ang sweet ni Matteo Guidicelli sa asawa niyang si Sarah Geronimo na “Mahal” at “My wife” kung ipakilala niya.

Napapansin din na kapag may interview ang mag-asawa at nakita ni Matteo na tahimik si Sarah, ini-encourage nitong magsalita ang kanyang misis at hindi basta nakikinig lang.

Nabanggit ni Matteo na sa panahon ng quarantine, bukod sa pagbabasa ng Bible at books, nagluluto siya at parang ang ibig nitong sabihin, siya ang nagluluto between him and Sarah.

Sabagay, basic lang siguro ang alam lutuin ni Sarah at hindi ito isyu kay Matteo.

Obvious na enjoy si Matteo being a married man, especially to Sarah, at nanghingi pa ito ng tips kay

Sen. Manny Pacquiao kung paano magwo-work ang marriage nila ng Pop Princess.

Naikuwento tuloy ni Manny na pareho sila ng sitwasyon ni Matteo dati, ang kaibahan lang, ang nanay niya (si Aling Dionisia) ang ayaw sa asawa niyang si Jinkee Pacquiao noong una. Pero nang makita raw ng nanay niya na masaya ang kanilang pamilya, tinanggap na nito si Jinkee.

Sabi ni Manny kay Matteo, kung kailangan nito ang help niya spiritually and biblically, tawagan lang siya.

Sayang, hindi pinayuhan ni Manny si Matteo na magkaanak na sila ni Sarah para matanggap na siya ng parents ng Popstar Royalty. Hinihintay pa naman ng mga fans nina Matteo at Sarah na sabihin ni Manny ‘yun.

***

JULIA, DEADMA KAHIT MARAMING PUMALAG SA BRALESS PHOTO NIYA, AYAW BURAHIN SA IG

Photo: IG @juliabarretto

Sa isang interview, nabanggit ni Julia Barretto na deadma na siya sa sasabihin ng mga tao tungkol sa kanya, sa lahat ng isyu at kasama na rito ang reaction sa ipinost niyang braless photo niya sa Instagram (IG).

Kahit ipinagtanggol na siya ni Dra. Vicki Belo na walang masama sa pagiging braless lalo na kung nasa bahay ka lang, may tao na ayaw tigilan si Julia.

May nag-comment na alam naman ni Julia na may magri-react sa braless photo niya, pero ipinost pa rin ito at kahit marami ang negative reactions, hindi pa rin nito dini-delete ang piktyur. Dahil doon, tinawag nilang papansin ang aktres.

Marami rin ang nagtanggol kay Julia at sabi nila, hindi big deal kung braless siya sa photo na totoo naman. Ang daming artista na braless, pero si Julia lang talaga ang pinansin?

***

YASMIEN, SIKAT NA SIKAT SA ECUADOR, PATI PAMILYA KILALA NG FANS

Kapag binibisita namin ang Instagram (IG) account ni Yasmien Kurdi, ang dami naming nababasang comments in Spanish, mga taga-Ecuador sila na naging fans ng aktres at iba pang cast ng

Afternoon Prime ng GMA-7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Nang ipalabas ang teleserye sa Ecuador, pinalitan ang title ng Spanish at may Spanish subtitle rin.

Kaya ayun, ang daming nagko-comment sa IG account ni Yasmien in Spanish at sinasabi nilang mahal nila si Thea (ang karakter ni Yasmien).

Siguradong magugustuhan din ng mga taga-Ecuador kapag ipinalabas doon ang Beautiful Justice dahil hindi lang drama ang ginawa ni Yasmien, nag-action din siya at nakipagbarilan.

Ang nakakatuwa kay Yasmien, sa Spanish din sumasagot, kaya lalo siyang minahal ng mga taga-Ecuador.

Pati nga ang asawa at anak ni Yasmien na si Ayesha, mahal na rin ng mga taga-Ecuador.

Kinukumusta nila kay Yasmien ang asawa at anak, kaya kilala na rin sila kahit wala sa showbiz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page