Pauline, naka-jackpot sa 23-anyos na Mayor ng Alaminos, Pangasinan
- Erlinda Rapadas
- Apr 25, 2020
- 4 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga
Ivana, ipagpapatayo ng bahay ang madir mula sa kita sa YouTube vlog

Napakalakas ng karisma ni Ivana Alawi, ang tinaguriang "Bagong Pantasya ng Kalalakihan" ngayon.
Seven months pa lamang siya sa YouTube ay nakakuha na agad siya ng 6 million subscribers! Kaya ang alam ng lahat ay milyones na ang kanyang kinikita mula sa kanyang YouTube content.
Pero, idinenay ng sexy star na milyones na ang kanyang kinikita at hindi pa raw niya ginagalaw ang pumasok na pera dahil balak daw niyang ipagpatayo ng sariling bahay ang kanyang ina.
Nagse-share rin naman siya sa mga taong nangangailangan mula sa kanyang kinikita sa showbiz.
Aware si Ivana na marami ang nangangailangan ngayon ng ayuda dahil sa lockdown at ECQ.
Well, marami ang naaaliw sa pagiging jologs at down-to-earth ni Ivana Alawi. Napakanatural kasi niyang kumilos at magsalita. Hindi siya plastic at hindi nagpapa-cute kaya aliw na aliw sa kanya ang marami kapag nagpo-post sa YouTube.
Pati ang paggu-goodtime sa kanyang mudra (mommy) nang gupitan niya ang kanyang bangs ay patok sa mga netizens. Kitang-kita rin na mahal na mahal ni Ivana ang kanyang pamilya kaya gusto siya ng mga fans.
♥♥♥
Pauline, naka-jackpot sa 23-anyos na Mayor ng Alaminos, Pangasinan

Sey ng mga netizens, mistulang naka-jackpot ang Kapuso artist na si Pauline Mendoza dahil naging boyfriend niya ang youngest mayor ng 'Pinas na si Bryan Celeste ng Alaminos Pangasinan.
Graduate ng De La Salle University Manila si Mayor Celeste at sa edad niyang 23 ay pinakatiwalaan kaagad ng kanyang mga kababayan at inihalal bilang mayor ng Alaminos City, Pangasinan.
Ang kanyang ama na si Arthur Celeste ay dating mayor ng Alaminos at dahil maganda ang track record niya bilang pinuno ng lungsod, nang matapos ang termino niya ay ang anak naman niyang si Bryan ang ipinalit sa kanya.
Guwapo at matalino at isang millennial mayor si Bryan Celeste na ka-level na rin nina Mayor Vico Sotto ng Pasig at Yorme Isko Moreno ng Manila at tulad ni Mayor Vico, mabait, masipag at may puso para sa mahihirap si Mayor Bryan Celeste.
At para makatulong sa kanilang mga magsasaka sa Alaminos, bumili siya ng 730 kilos ng gulay at sampung tonelada ng prutas at isinama sa relief goods na ipinamimigay sa 25,000 pamilya sa Alaminos.
Personal ding pinamamahalaan ni Mayor Celeste ang repacking at distribution ng relief goods para sa kanyang mga constituents kaya proud GF naman si Pauline Mendoza. For sure, maraming naiinggit sa kanya dahil nakakuha siya ng poging mayor.
♥♥♥
Ang pagsasama-sama nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez sa epic na fantaseryeng Encantadia ang naging daan upang mapalapit sa isa't isa ang tatlong Kapuso stars.
Nagkaroon sila ng special bonding at kahit na noong tapos na ang airing ng Encantadia ay hindi nagbago ang kanilang friendship.
Kaya naman nang muli silang pinagsama-sama sa Daig Kayo ng Lola Ko sa episode na The Witchikels ay mistulang reunion ito nina Kylie, Gabbi at Sanya.
Halos hindi na sila maawat-awat sa kanilang kuwentuhan-tsikahan. Na-miss nina Kylie, Gabbi at Sanya ang isa't isa.
Nakakatuwa ang characters nila sa The Witchikels ng Daig Kayo ng Lola Ko bilang sina Winona, Willow at Winslet. Magical ang story na kanilang pagbibidahan.
Mauunang ipalabas sa Daig Kayo ng Lola Ko ang finale episode ng Adventure of Laura Patola and Dwan-Ding na susundan ng The Witchikels.
♥♥♥
Pinag-iingat ni Willie Revillame ang mga viewers ng Tutok to Win ng Wowowin na ginagamit ang kanyang show. Ipinaalala rin niya na ang Tutok to Win ay mapapanood lamang simula Lunes hanggang Biyernes, 5 PM to 6:30 PM. Wala silang show 'pag Sabado at Linggo.
Huwag daw basta ibibigay ang contact number kapag tinanong ng tatawag. Ang totoong account ng Wowowin Tutok to Win ay may blue check. Mapapanood ang Wowowin sa www.youtube.com, www.facebook.com at twitter.com/gmanetwork.
♥♥♥
May panawagan ang MOWELFUND Inc. para sa kanilang mga miyembro (active/inactive). Mamimigay ang MOWELFUND ng ayuda/cash assistance via the program MOWELFUND CARES COVID-19 alleviation and recovery enhancement support.
Kailangan lang makipag-ugnayan ang mga miyembro sa MOWELFUND office. Ang landline ay 028-727-1961, Globe CP #0977-690-4434, at Smart CP #09615801896.
Ang Mowelfund ay itinatag ni former President/Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada noong 1975 upang makatulong sa maliliit na manggagawa sa movie industry. Sa ngayon, sina Ms. Boots Anson-Rodrigo at Rez Cortez ang namamahala at nagpapalakad sa foundation.
♥♥♥
Kahit na tuluyan nang ma-lift ang lockdown sa buong Metro Manila sa May 15, hindi pa rin basta maibabalik ang mga kaganapan sa movie industry ganu'n din sa telebisyon. Hindi pa agad-agad na makakapag-schedule ng teyping sa mga TV shows na pansamantalang natigil.
Hindi pa rin makakapag-schedule ng shooting ng pelikula at hindi pa rin sisigla ang concert scene. Babawi muna ng lakas mula sa krisis na nilikha ng COVID pandemic.
Makikiramdam muna ang mga movie producers na namumuhunan sa mga pelikula. Wish ng mga mahihilig sa sine, sana ay muling bumalik ang sigla ng movie industry.
Ang pinakaaabangang Metro Manila Film Festival sa December ay hindi pa ganap na napaghandaan ng mga movie producers. Kaya may mga nagsa-suggest na sana, ang mga napili na lang na entries na intended for Summer Film Festival ang isalang sa MMFF sa December, tutal naman ay de-kalidad din at magaganda ang entries na napili tulad ng Isa Pang Bahaghari na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa kasama si Sanya Lopez at idinirek ni Joel Lamangan. Produced ito ng Heaven's Best Productions.





Comments