Kahulugan ng imahe ni Papa Jesus at Mama Mary, gumalaw ang moon at naging rainbow ang kulay ng langi
- Socrates Magnus
- Apr 25, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Avie ng Avie Gutierrez na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Nagising kami ng mga bata dahil akala namin ay umaga na, pero alas-2:00 ng madaling-araw pa lang at sobrang liwanag na kaya lumabas ako. Pagsilip ko sa bintana, pinakuha ko agad ‘yung cellphone ko dahil nakita ko ‘yung moon na sobrang liwanag. Pi-picture-an ko ‘yung moon dahil sa tabi nito ay may imahe ni Papa Jesus at Mama Mary.
Sinabi ko sa ate ko ‘yung mga nakita ko kaya bigla siyang napunta sa tabi ko at nag-picture. Tinawag ko ‘yung mga bata dahil biglang gumalaw ‘yung moon at naging rainbow ang kulay, gayundin, may mga meteor at maraming star na sobrang ganda at parang totoo.
Ang pinkamasaya na natatandaan ko ay biglang tumugtog ng mga kantang pamasko, dumating ‘yung sasakyan ni Santa Claus at may mga naka-costume sa loob at nagsasayawan. Sobrang dami nila at napuno ‘yung bubong ng mga kapitbahay namin. Tapos, walang naka-facemask dahil wala nang virus at nagse-celebrate na ang lahat. Sobrang saya, kaya lang, nagising ako sa part na ‘yan habang naiiyak sa tuwa ang lahat.
Sana, magka-totoo ang panaginip kong ito, gayundin, sana ay maging COVID-19-free na ang buong mundo para masaya na tayong lahat.
Naghihintay,
Avie
Sa iyo Avie,
Magkakatotoo ang iyong panaginip dahil ang buong mundo magdiriwang kapag natapos na ang COVID-19 at tatawagin itong “Christmas in summer time”. Alam mo, iha, nang isinilang si Mama Mary si Papa Jesus, ang buong langit ay nagdiwang, ang mga anghel ay nag-awitan at buong universe ay napuno ng saya at ligaya. Sobrang saya nila tulad ng saya na nadama mo sa iyong panaginip dahil ang naganap ay pagkapanalo ng mabuti laban sa masama. Ang mga dakilang alagad ng sining ay inilarawan ito sa pamamagitan ng mga estatwa na ang makikita ay “victory over evil”.
Gayundin, sinasabi ng iyong panaginip na ang mundo ay magwawagi laban sa COVID-19. Kailan kaya ito? Siguro, ito ang magandang pag-usapan.
Sabi ng iyong panaginip, malapit na at ito rin ang naransan ng mga tao nang isisilang na si Jesus kung saan may ilang nakakita by vision at dreams na ang sinisimbolo ay ang victory over evil.
Kaya, this is the time na mas magandang panatilihin mo ang ningas ng iyong pag-asa dahil mangyayari na ang katuparan ng iyong panaginip na ang mundo ay magwawagi laban sa COVID-19.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo
Comments