top of page
Sharlene San Pedro - IG.jpg

Kahulugan ng pulang damit, 2 puting manok at 2 buwaya

  • Socrates Magnus
  • Apr 24, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Mellissa Joy na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Noong mga nakarang araw, nakapagtataka ang mga panginip ko. Konektado kaya ang mga ito?

Noong una, napanaginipan ko ‘yung nanay ng kaklase ng anak ko, tapos pinagsusuot niya ako ng pulang damit dahil may pupuntahan kaming event sa school. May ibinigay na damit ‘yung kapatid ko pero pinalitan ko dahil maiksi at gusto ko ng mahabang damit para komportable ako.

Nu’ng isang gabi naman, nanaginip ako ng dalawang puting manok. Hindi ko na maalala kung ano ang mga nangyari, basta ang natatandaan ko lang ay tumakbo ako dahil natatakot ako baka tukain ako.

Kagabi naman, dalawang buwaya ang napanaginipan ko, tapos tumakbo kami ng kasama ko dahil natatakot kami. Pero nang malapit na siya, tinulak ko ‘yung buwaya kaya nalaglag sila sa gilid ng kalsada.

Nagtataka ako dahil palaging may dalawa sa panaginip ko. Ano ang ibig sabihin nito? Maraming salamat!

Naghihintay,

Mellissa

Sa iyo Mellissa,

Ang numerong dalawa ay sinisimbolo ng kambal na puwersa kaya mas malakas ito kaysa sa pangakaraniwang malalakas. Ang dalawang puting manok na kinatatakutan mo ay kambal na puwersa na nagkukubli sa mabuting mga kilos pero sa totoo lang, ang hangarin ay mabiktima ka. Ito ang mga nasa scam na nag-aalok ng magandang pagkakataon pero nakakatakot dahil sa huli ay magkakamot ka lang ng ulo dahil ikaw ay naloko.

Ang dalawang buwaya ay sinisimbolo ng lending agency o mga nagpapautang pero napakalaki ng tubo o interes.

Ang pulang damit na ipinasuot sa iyo ay nagsasabing dapat ay matapang ka kung saan ang tapang o lakas ng loob ay huwag gamitin sa pangungutang o pakikipagsapalaran na nasa offer ng mga scammer.

Ang kulay na pula ay vertud na magagamit ng tao sa kanyang pansariling layunin na nagsasabing gamit ang kanyang mga natatangi at magagandang katangian, puwedeng-puwede siyang magtagumpay sa buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page