top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Angeline, idinispley ang sangkaterbang masasarap na pagkain, barado sa netizens

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Apr 23, 2020
  • 3 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Ginawang issue ng ilang netizens ang ipinost ni Angeline Quinto sa kanyang Instagram account kamakailan na napakaraming pagkain katulad ng isang bowl ng tahong, shrimp, malalaking pusit, crabs, fried chicken, tuyo, bangus, mga gulay at maraming prutas.

Komento ng isang netizen, “Alam namin na pinaghihirapan ninyo ang mga tinatamasa ninyong karangyaan ngayon pero sa panahong ganito na ang mga pangkaraniwang tao na dahilan kung bakit kayo yumaman ay sana, ‘wag nang i-display pa ang mga karangyaan lalo na ang mga pagkain sa panahong ang pinagkakasya nila ay ang mga relief na sardinas at noodles lang araw-araw. Salamat, sana maintindihan po.”

Hindi naman pinalagpas ni Angeline ang komento na ‘yun ng netizen at ni-reply-an niya.

Sey ni Angeline, “Naiintindihan po namin. Hindi po nawawala sa isip namin ‘yan. Nais lamang din po naming pasalamatan ang mga taong nagbigay din sa akin. Hindi naman po siguro masama ‘yun. At hindi ko naman po hinayaan na lahat ng ibinigay sa amin ay hindi ko maibabahagi sa iba.

"Opo, marami pong pagkain ang nakikita n’yo sa post na ito, pero halos ang iba po riyan ay nailuto ko na po at naipamigay din sa ibang mga pulis at security guards na halos beinte-kuwatro oras na nagtatrabaho sa labas. Hindi ko naman na po kailangang sabihin ito pero para rin po maintindihan ng bawat isa. Salamat po sa inyo.”

Sey naman ng isa pang netizen, “Buti po kayo, saganang-sagana sa food. Kami po, walang-wala na, nag-iintay na lang kung may darating pa rito. Stay safe.”

♥♥♥

Angelika, wa’ paki kung iboykot sa next election, pabor sa martial law

‘Kaloka ang Instagram post ni Angelika dela Cruz kamakailan kung saan mababasa ang “Curious lang po ako sa gusto ng tao.. Pabor po ba kayo sa MARTIAL LAW habang may COVID-19 pa sa ating bansa?”

Komento ng isang netizen, “Of course pabor and I am sure you are not. ‘Wag mong dagdagan ang nega if that’s what you mean sa post or tanong mo.”

Naimbiyerna naman si Angelika at buwelta nito sa netizen, “HOW ARE YOU SURE?!! Do you know me personally? Close tayo? Frontliner ako and in favor ako sa Martial Law.. kaya ako nagtatanong dahil gusto kong malaman ang opinyon ng ibang tao. Hindi para mag-NEGA that is a stupid assumption and may I add very NEGA of you.”

May isa namang netizen na direktang nagtanong kay Angelika kung sang-ayon ba siya dahil hindi yata binasa ang reply niya sa bitter na netizen.

Sey naman ni Angelika, “Opo.. sa totoo lang ang daming matigas ang ulo na hindi sumusunod sa ECQ (enhanced community quarantine). Natatakot akong dumami pa lalo ang positive cases ng COVID-19 sa bansa.”

Sey naman ng isa pang netizen, “Ang taray ni Kapitana. Manalo ka pa kaya sa susunod na eleksiyon?”

Matapang na sagot ni Angelika, “Kung puro election ang iisipin ko, ‘di ko magagawa nang maayos ang duty ko. Ang importante ngayon, ‘di kumalat ang COVID-19 sa barangay ko at sa bansa.”

♥♥♥

Michael V., binanatan ang mga kapwa celebs na todo-post ng pagtulong, binash ng fans

Bumuhos ang pambabatikos ng mga netizens sa latest post ni Michael V. sa kanyang Instagram account na piktyur ng isang taong nakasuot ng facemask at may malaking nakalagay na ANONYMOUS.

Caption ni Michael V., “NOW is the PERFECT time to HELP out ANONYMOUSLY. Feed the people. Not the ego. #HelpingWithoutPosting.”

Sey ng ilang netizens: “Kung ako ang nangangailangan ng tulong, sa totoo lang, wala na akong paki kung para sa ego nu'ng tao ang ginawa niyang pagtulong sa akin, dahil sa huli, natulungan pa rin niya ako. May maidudulot pa rin na maganda ang pag-post, para gayahin, at least ginaya pati pagtulong.”

“I beg to differ. Help is help whether you post it or not. People who post their help do it so they could inspire other people to help too. If they don’t wanna post it, then ok, if they want to post, then that’s ok too.”

“Alam mo kuya, sa panahon ngayon, hindi ko alam kung bakit naiisip mo pa itong ideya na ito. Ang mahalaga, nakatulong sa mga frontliners at sa bayan.”

“Hmm. Iba naman po ‘yung sa case ng mga celebrities na tumutulong. Sabi nga ni Darna, kung sarili niya lang pera ‘yun, ‘di n’ya na need na i-post ‘yung itutulong niya. Pero sabi niya, sa’n ka naman nakakita ng fundraising na hindi ipinapaalam sa mga taong nag-donate kung saan napupunta ‘yung tulong, ‘di ba?”

Komento pa ng isang netizen, “Not all times this is true. People have different perspectives and you have to respect that. I donated a little amount but I told the organizers not to mention my name but the organizers insisted because they need to document and account the money being donated. It is a case-to-case basis. Do not generalize and quick to judge. Just sayin’,” sabay dagdag ng napaka-judgmental naman daw para sabihing “egoistic” ang pagpo-post ng tulong online.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page