top of page

Pramis daw, guys... “Hindi ako nagparetoke ng kahit ano. Wala talaga” — Ivana

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Apr 22, 2020
  • 4 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nag-release ng bagong vlog ang sexy actress na si Ivana Alawi kung saan sinagot niya ang mga katanungan ng mga netizens sa Twitter post niya kamakailan na “#AskIvana.”

Sagot ni Ivana sa tanong kung hindi siya vlogger at/o artista ngayon, ano siya, siguro raw, isa na siyang housewife na maraming anak at may sariling business kung saan hawak niya ang kanyang oras.

Ipinasa naman ni Ivana ang naturang tanong sa kapatid niyang si Mona Louise Rey. Sagot ni Mona ay gusto niyang maging doktor at ‘yun daw talaga ang pangarap niya para makapag-save ng buhay.

Touched si Ivana sa sagot ng kanyang kapatid at humiling na halikan siya nito pero dahil sa social distancing na ipinatutupad, sey ni Mona, “Bawal.”

Medyo na-bad trip tuloy si Ivana at sinabing right after nitong quarantine ay hahanap siya ng iki-kiss sa lips.

Sa tanong na “What’s the best thing you’ve done for your family?” sey ni Ivana, ito raw ay ‘yung mahalin ang pamilya niya.

Aniya, “Alam mo ‘yun, kung nasaan ako, gusto kong nandu’n sila. Kahit ngayon, hindi kami puwedeng maghiwalay. And the best thing that I can do is to take care of them and love them and prioritize them.”

May nagtanong din kung ano ang brand ng sabon ni Ivana at aniya, hindi raw siya gumagamit ng kahit anong mamahaling sabon. Ang ginagamit daw niya ay ‘yung mga pang-baby na sabon.

May na-curious din kung may tattoo ba si Ivana at kung ano ang meaning nu’n. Inamin naman ng sexy actress na isa lang ang tattoo niya na makikita sa kanyang likod.

Aniya, ang butterfly tattoo niya ay very deep para sa kanya dahil ito raw ay ipinagawa niya nu’ng na-brokenhearted siya sa ex-boyfriend niya. Sa kagustuhan daw niyang makalimot ay pumunta pa siya sa Hong Kong.

Aminado si Ivana na malaking pagkakamali na ang love life niya that time ang kanyang naging priority at hindi ang kanyang pamilya kaya naisip niyang kailangan niya ng pagbabago sa buhay.

Rebirth daw ang meaning ng butterfly para sa kanya. Bagong Ivana na hindi magmamahal nang sobra-sobra at todo sa isang lalaki.

Tahasan ding sinabi ni Ivana na sa ngayon ay wala siyang pakialam sa love life at sa career dahil ang mas importante para sa kanya ay ang pamilya niya.

Sinabihan naman siya ni Mona na sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni DJ Loonyo.

Sey ni Ivana, “Sa totoo lang, hindi ko talaga masagot kasi nga ‘yung priority ko talaga is ‘yung pamilya ko. Eh, siya rin naman, eh, ang priority din niya is family din niya.”

Tinawagan din ni Ivana si DJ Loonyo habang nagba-vlog para tanungin ng: “Loonyo, may tanong ako sa ‘yo, ano’ng meron sa atin?”

Sagot ni DJ Loonyo, “Wala.”

Sey naman ni Ivana, “Wala? Wala lang ako sa ‘yo?”

Sabi naman ni DJ Loonyo, “Oo. Napaka-special mo sa akin.”

Kilig na kilig tuloy sina Ivana at Mona sa sagot na ‘yun ni DJ Loonyo. Pero mabilis din naman nilang tinapos ang usapan dahil narinig ni DJ Loonyo ang tawa ni Mona at nalamang pinagtitripan siya ng magkapatid.

Matatandaang kamakailan ay nag-post si Ivana sa Twitter ng conversation nila ni DJ Loonyo 5 years ago. Inamin naman ng sexy actress na matagal na silang magkakilala pero aniya, “Matagal ko na siyang kilala but we never talked more than that. Naputol siya, eh.

“Sobrang maingat ako ngayon sa puso ko so hindi siya porke't kinikilig ako nang konti, eh, ibibigay ko na kaagad ang puso ko na mahal na mahal ko na siya.

“I think process siya, eh. Kailangang ma-feel ko talaga na ‘Ay, gusto ko ang tao na ‘to and gusto rin niya ‘yung pamilya ko.’

“After kong masaktan du’n sa ex ko, parang sabi ko, ‘From now on, hindi ko na ibibigay agad ang puso ko.’

“Oo, kikiligin ako, oo, magiging open pa rin naman ako sa mga nanliligaw, ganu’n, pero hindi ko agad ibibigay ang buong puso ko o kahit kalahati. Siguro, ligawan mo muna ako, ligawan mo muna ‘yung pamilya ko and then, we’ll see.

“I think my heart is just too broken to just give it away.”

May nagtanong din kung magkano ang suweldo niya sa YouTube. Pero sad to say, hindi nagbigay ng specific amount si Ivana.

Aniya, “‘Yung mga videos na lumalabas, puwede kang kumita ng 5 to 6 digits per video. May lumabas kasi na ‘Ay, si Ivana, kumita siya ng P1 million dahil sa 5 million views niya, hindi po totoo ‘yun.”

Sabi naman ni Ivana, kahit piso sa mga kinita niya sa pagyu-YouTube ay hindi pa niya nagagastos dahil pambili raw niya ‘yun ng bahay ng kanyang nanay.

Aniya pa, “Ang kinikita ko lang is 6 digits. Hindi siya totoo na parang kumikita ka ng P1 million per take. Pangalawa, hindi ako sumali sa YouTube dahil sa kita.”

May nagtanong naman kung ready bang i-date nina Ivana at Mona ang kanilang fan. Nagulat si Ivana sa biglang sagot ni Mona na “Oo, bakit hindi?”

Nanlaki ang mata ni Ivana at sinabihan si Mona na “Hindi puwede, ano’ng oo? (sabay sapak sa kapatid) Baka subuan kita ng…”

Sagot naman ni Ivana sa tanong, “Bakit hindi? Mas gusto ko ‘yung hindi showbiz kasi mas less complicated siya. Gusto ko ‘yung normal na tao na mamahalin ako. Kasi kung showbiz ka, tapos showbiz ‘yung BF mo, masyado nang showbiz, eh. Ayoko ng ganu’n, ayoko ng plastikan or… ayoko ng ganu’n. Gusto ko ‘yung tunay na pagmamahal na hindi dahil sa showbiz o hindi dahil ganito.

“‘Pag nasaktan ako, talagang wala. Ayokong makasama ‘yung tao na ‘yun. Kunwari may teleserye, tapos na-in love ako ru’n sa co-star ko, tapos sinaktan niya ‘ko, niloko niya ‘ko, ang bigat nu’n, eh. Parang paano ako magtatrabaho para sa… of course you have to be professional pero at the same time, it’s gonna be so mabigat tapos masakit na makita mo ‘yung tao na ganu’n.”

Alam din daw niya kung saan niya ilalagay ang “kalandian” niya.

Sinagot din ni Ivana ang tanong kung nagparetoke raw ba siya.

Aniya, “Hindi ako nagparetoke ng kahit ano. Wala talaga.”

 
 
 

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page