top of page

Feeling hero, sign na dapat tumulong sa kapwa sa totoong buhay

  • Socrates Magnus
  • Apr 21, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Elena na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nanaginip ako ng dalawang ahas na biglang sumulpot sa pool, tapos magkadikit sila at lumalangoy. Takot na takot ‘yung mga naliligo sa pool kaya lumalayo sila. Habang papalapit ‘yung ahas sa batang babae, nagmadali akong lumangoy para makuha ‘yung bata. Feeling ko ay hero ako at habang bitbit ko ‘yun bata, naging batang lalaki ang bitbit ko hanggang sa makarating ako sa pampang na parang mall.

Ano ang ibig sabihin nito? Maraming salamat!

Naghihintay,

Elena

Sa iyo Elena,

Ang dalawang ahas na magkadikit ay simbolo o naglalarawan ng kambal. Kaya ang naiisip ng nanaginip na ito ay nangangahulugan ng kambal na sanggol. Hindi naman ibig sabihin ay magkakaanak siya ng kambal, ngunit simpleng masasalamin lang na ang kanyang malalim na kamalayan ay may lihim na kagustuhan na kambal ang kanyang maging anak.

Ang sinasabi mong feeling hero ka naman ay walang kinalaman sa kambal na puwede mong maging anak. Ito ay napanaginipan mo para bigyang-daan ang ikalawang mensahe ng iyong panaginip na nagsasabing ikaw ay isinilang na bayani.

Ito ay ang mga taong kahit walang kakayahan ay laging iniisip kung paano makatutulong sa problema ng mamamayan. Hindi naman sa talagang wala kang kakayahan dahil lahat naman ay may kayang tumulong, ‘yun nga lang, minsan ay maliit na tulong o hindi bagay ang itutulong, pero siya mismo ang tutulong sa pamamagitan ng pagbo-volunteer.

Ayon sa iyong panaginip, tumulong ka sa abot ng iyong makakaya at muli kang tumulong kapag puwede ka muling itulong. Ganito ang gawin mo hanggang ang tulong mo ay maging tulong na puwedeng ikumpara sa mga nagagawa ng mga may kaya.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page